Tulad sa mga nangyayari sa ilang ahensiya ng pamahalaan, may "anomalyang" natagpuan ang mga doktor matapos ang aking basic executive check up sa National Kidney and Transplant Institute kamakailan.
Ayon sa resulta ng mga aking laboratory tests, lahat ay naaayon naman sa edad ko maliban sa aking ihi na nakitaan ng dugo.
"Except for this microscopic blood found in your urine everything is in order. We consider this as an anomaly, dahil walang makita sa resulta to point why there is such bleeding," paliwanag ng doktor na nagpaliwanag sa aking urine test.
"Hindi makikita sa urine mo ito, dahil microscopic ito. Take another test after a month," utos ng doktor.
Nag-isip tuloy ako. Natural ba ang ganitong anomalya? Kung natural ito, ano ang kalalabasan nito sa hinaharap? Gaano karaming tao sa buong mundo na katulad kong may anomalyang ganito?
Si Ombudsman Merceditas Gutierrez ba ay nakakaranas din nag ganitong anomalya maliban sa mga kuwestiyonableng desisyon na inilabas ng kanyang ahensiya tulad ng plea bargain agreement kay dishonorably discharged Maj. Gen. Carlos Garcia at sa pagpanig ni Gutierrez kay Prospera Pichay, na hindi napatawan ng preventive suspension habang iniimbestigahan ang P480 milyong umano'y pinambili at ginugol para sa Express Savings Bank, Inc.
Sina Maj. Gen. Garcia at Pichay ba ay may ganito ring anomalya maliban sa mga nasangkutan nilang anomalya?
Ganito rin ba ang dating Pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo, na sa dami ng anomalya ng kaniyang pamahalaan ay itinuturing na ngayong icon ng korapsyon?
Nag-isip tuloy ako. Natural ba ang ganitong anomalya sa pamahalaan? Kung natural ito, ano ang kalalabasan nito sa hinaharap ng bansa? Gaano karaming tao sa buong mundo na katulad nina Garcia, anomalyang ganito?
Wala lang, naisip ko lang.
No comments:
Post a Comment