Saturday, January 22, 2011

Weekend

Isa sa mga pinahihintay na araw sa loob ng isang linggo ay ang weekend, lalo na kung matatapat ang sweldo ng Biyernes.

Siyempre, iba't ibang gimik ang mga tao. Karamihan kapag weekend ay kumakain at siyempre, tomotoma. Mayroon namang nagsa-shopping. At sa ilan ay nagpapahinga.

Kung ikaw ay relihiyoso, siyempre ang weekend ay paghahanda para sa pagsamba. Sa mga weekend warriors, ang araw na ito ay ginagamit upang mapangahas bisekletahin ang Antipolo, Tagaytay o kaya ay umakyat sa iba't ibang bundok na makikita rito sa bansa. Sa ilan na ang pagtakbo ang addiction, ang weekend ay ginagamit upang sumali sa mga races na halos linggo-linggo ay idinadaos kungdi man sa Taguig Global City ay sa University of the Philippines o kaya ay sa Mall of Asia.

Ang weekend ay panahon upang muling makapagpalakas matapos ang labanan sa ating mga workplace, mga negosyo at iba pang pinagkakaabalahan.

Pero ang pinakagusto ko sa weekend, lalo sa Sabado ay ang pagtulog.

Kay sarap matulog, lalo ngayong medyo malamig pa ang panahon. Yong tipong gigising ka ng sikat na sikat na ang araw. Yong tulog na wala kang iniisip na meeting, deadlines, trabahong bahay o kaya ay lakad para iba't ibang bagay. Yong tulog na wala kang iniisip pagkagising kungdi magkape, kumain ng paborito mong agahan at manood ng ESPN o kaya'y Star Sports.

Ito yong tulog na hindi nakakapagod. Sa aking karanasa kasi, may mga tulog na tila pampalipas lang ng oras at pagbangon mo ay tila pagod ka pa rin.

Sabi nga ni John Gokongwei, ang pagtulog daw ang isa sa mga pinakamahalagang regalo na ibinigay sa atin ng kalikasan.

Happy sleeping . . .enjoy your weekend.



None is for sure, None is forever

1 comment:

Bulay Buhay said...

pare ang haba ng naging tulog ko! mahigit 2 araw! kaso maganda sana kung talagang tulog lang. kaso may kasamang ginaw... sama ng pakiramdam ko.. mula friday night...hanggang ngayon monday.. umiigi-igi na.

kailangan talaga pahinga. mukhang nasobrahan ako the past week. balanse.. yan ang buhay.. balanse..