Ang Hell is for Heroes ay isang war film na ipinlabas noong 1963. Director nito si Don Siegel at pinagbidahan ni Steve McQueen. Ang istorya nito ay ukol sa mga Kanong sundalo noong 1944 na kinailangang humarap sa isang German company sa loob ng 48 oras sa tinatawag na Siegfried Line bago dumating ang saklolo mula sa kanilang mga kaalyado.
Naalala ko ang pelikulang ito dahil sa ibinigay na hero's burial kay Angie Reyes, na nagpakamatay pagkaraang makaladkad sa "pasalubong at pabagon" scandal sa military. Bagamat nagpakamatay, binigyan pa rin ng military honor ang dating cheif of staff. Hanep!!!
At ang nakakapagtaka, pinagmisahan pa rin siya bagamat kinitil ang sariling buhay. Kahit bayani ang turing kay Reyes ng militar, base sa turo ng Simbahang Katoliko Romano diretso pa rin siya sa impiyerno dahil nagpaktamatay siya. Amen!!!
Kahit bayani siya, magnanakaw pa rin siya.
Nang tanungin si Reyes kung tumanggap siya ng milyon-milyong pabaon noong magretiro, hindi niya ito itinanggi kungdi ang sagot niya ay "wala akong matandaan."
Kayo ang humusga.
Malilimutan mo ba ang pagkakataong binigyan ka ng P50 million. Sabi nga ng isang kaibigan, painumin mo lang ako ng isang bucket, siguradong hindi ko iyon malilimutan. Banat naman ng isa, kahit nga libreng pamasahelang eh, hindi ko nalilimutan, P50 milyon pa."
Malilimuting bayani pala si Reyes, pakli naman ng isa pang kaibigan.
Ayon naman kay Mortimar J. Adler, isang kilalang Amerikanong manunulat at philisopher, "The great scoundrel can be as famous as the great hero; there can be famous villains as well as famous saints. Existing in the reputation a person has regardless of his or her accomplishments, fame does not tarnish as honor does when it is unmerited."
Ano raw?
Ang punto ni Adler ay maaaring kasing sikat ng isang bayani ang isang magnanakaw. May mga sikat na kontra bida at may mga sikat na santo. Hindi rin daw nababawasan ang kasikatan kumpara sa dangal kung hindi ito karapatdapat na makamtan.
May dangal ba ang pagkakamatay ni Reyes?
May dangal ba sa pagkitil sa buhay upang maiwasan ang kahihiyang idinulot niya sa sarili at sa kanyang pamilya?
May dangal ba sa pagpapakamatay? Period.
Dahil dito, naniniwala akong hindi siya dapat binigyan ng 21 gun salute. Dapat ay ginamit ang bala para sa kanyang firing squad bilang parusa sa pangungurakot niya sa kaban ng bayan.
No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com