May nasagap yatang sariwang hangin ang Mataas na Hukuman, o baka naman nasiyahan lamang ang karamihan sa kanila sa mga dates nila nitong Valentine's Day?
Napakarami kasing nasorpresa sa desisyon ng mga kataastaasaan at kagalang-galang na mga hukom na payagan ang Kongreso na litisin ang impeachment case na inilagak ni Risa Hontiveros at kanyang mga kasama sa Mababang Kapulungan.
Pito mula sa 12 hurado ang bumoto laban sa kagustuhan ni Gutierrez na ibasura ang impeachment case niya. Kinuwestiyon ni Gutierrez ang pagsasampa ng dalawang impeachment case sa kanya. Subalit, ayon sa Korte Suprema, walang nalabag sa desisyon ng Mababang Kapulungan na litisin ang impeachment case laban sa Ombudsman.
"The Supreme Court majority has decided there is no denial of due process since respondent [Gutierrez] can file an answer after the impeachment complaints have been declared sufficient in form and substance," paliwanag ni SC spokesman Jose Midas Marquez sa news briefing nitong Martes.
Siyempre, maraming natuwa sa naging desisyon ng Korte Suprema na nitong mga nakaraang araw ay binatikos dahil sa lantarang pagkampi nito sa mga kaalyado ni GMA.
Pero hindi lahat ng araw ay piyesta, ika nga.
Kahapon ay medyo nakabawi ang Korte Suprema sa mga kasalanan nito sa taumbayan. Bumoto upang ibasura ang kahilingan ni Merci ay sina Justices Antonio Carpio, Conchita Carpio-Morales, Ma. Lourdes Sereno, Roberto Abad, Jose Catral Mendoza, Eduardo Nachura, and Martin Villarama Jr.
Pero nakakapanginig pa rin ng laman ang mga tulad nina Chief Justice Renato Corona, Arturo Brion, Lucas Bersamin, Teresita Leonardo-De Castro, and Diosdado Peralta na kumampi kay GMA.
Dalawang justices naman ang nagsabi na puwedeng ibasura ang kasong isinampa ng Bayan laban kay Gutierrez upang maging mawala ang ikalawang kaso.
Ito naman kasing Bayan, gaya-gaya puto maya. Bakit kaya hindi na lang sila gumawa ng sarili nilang issue? Kung hindi sila nag-file ng ikalawang impeachment complaint, dapat ay hindi nagkabala si Merci para tumakbo sa Korte Suprema.
Pero ngayon, ang tanging magagawa ni Merci ay magsampa ng Motion for Reconsideration, malamang na ang susunod na labanan ay mangyari sa Mababang Kapulungan, kung saan ay tila "Godmother" itong si GMA.
Nandiyan pa rin ang kanyang mga kaalyado ni GMA sa Kongreso, na karamihan ay mula sa Mindanao. Nandiyan din ang kanyang bayaw na si Iggy Arroyo na kinatawan ng Negros Occidental 5th District, ang kanyang mga anak na sina Dato (Camarines Sur 1st District) at Mikey (kinatawan ng Ang Galing Pinoy party).
Malaking banatan ang inaasahan sa Mababang Kapulungan kapag nakarating sa plenary ang balitaktakan.
Pero panahon na upang ma-impeach si Merci. Panahon na para kalusin si GMA.
No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com