Friday, February 11, 2011

Puso

Click "puso ng saging" pix to view Mark Lapid's video



Malaking usapin ang ukol sa puso nitong mga nakaraang araw lalupa't binaril ni dating chief of staff Gen. Angelo Reyes ang sarili sa puso.

Pero ako ang naalala ko kapag puso ang usapan ay hindi Valentine's Day, kungdi si Mark Lapid. Sino ba naman ang makakalimot sa mga  katagang klasik na: "Oo saging lang ako, pero sa lahat ng halaman saging lang ang may puso!"

Lalim ng mga hugot, repapips. Oo nga naman, sa lahat ng halaman,  saging lang ang  may puso, kesyo ito ay lakatan, latundan, o kahit pa ang brand nito ay Dole, Soriano's, o galing man ito sa Davao, Mindoro o Bulacan. O kaya'y na aerial spray man ito o hindi.

At nagkataon ngang ang pagpapatiwakal ni Reyes ay malapit sa Valentine's Day, na itinakda ni Pope Gelsius 1 noong 500 AD bilang paggunita sa isa o ilang katolikong martir na ang pangalan ay Valentine. Dahil dito, mas naging palaisipan kung bakit sa puso binaril ni Reyes ang sarili.

Kadalasan kasi ay sa ulo pinapatama ang bala kung baril ang gamit sa pagpapatiwakal. Pero mahirap ang ginawa ni Reyes, dahil kaliwete siya at nasa bandang kaliwa karaniwang nakapuwesto ang puso ng tao.

May nagsasabi namang kumati lamang ang parte ng katawan kung saan pumasok ang bala papunta sa puso ni Reyes kaya't kinamot niya ito at aksidenteng naiputok ang baril. 

Ayon naman sa ilan ay "emo" itong si Reyes kaya sa puso siya nagbaril. Banat naman ng ilang kaibigan na sobrang sama na  loob ni Reyes at sobrang sakit ng puso niya at hindi na ito nakaya ng pain relievers kaya't pagbaril ang naisip niyang solusyon. Mayroon namang nagsabing ayaw ni Reyes na pumangit ang kanyang mukha at ilagay siya sa saradong ataul kapag pinaglamayan.



Ano pa man ang dahilan, patay na si Angelo at walang ka-date ang misis niya sa Lunes, kung kailan ipagdiriwang ang Valentine's Day.

Kawawa naman di ba, nasangkot na sa korapsyon dahil sa napakaraming beses niyang paglipad sa ibang bansa gamit ang salapi ng bayan, nawalan pa ng ka-date.

Ikaw naman kasi Angie eh, hindi mo ba alam na sa totong buhay, nakamamatay ang baril di katulad sa mga pelikula ni Mark Lapid na ilang beses na siyang binabaril ay hindi pa tinatamaan, kahit na ang dami ng kalaban ay tulad ng sa buong sandatahang hukbo ng Pilipinas.

Sa susunod na pagkain ko ng banana-cue, malamang si Angie na ang maaalala ko at hindi si Mark.

3 comments:

aliza said...

madami puso ng saging sa amin...benibenta para gawing ginataang puso ng saging...:-)

Depende Yan! said...

Speaking of Mark Lapid, asan na nga pala yun? Buti nalang at tumigil na sya sa kagagawa ng pelikula...

monleg said...

@Aliza...sarap naman niyan...ginataang puso ng saging...kakagutom
@Depende Yan!...nagtatanim yata ng saging