Tuesday, February 22, 2011

UST professor

 
Click the pix to read the news article about UST profesor

Mag-aaral ng Uste ang anak ko, kaya noong lumabas ang balitang may isang propesor sa UST na nagbibigay ng extra credit kung magpo-post ang mga istudyante niya ng kanilang "opinyon" ukol sa pamaimigay ng Akbayan Party ng condom noong Valentine's day sa facebook account ng partido, nabahala ako.

Tinanong ko agad ang anak ko kung totoo ito dahil nang bisitahin ko ang facebook account ng Akbayan, napansin kong hindi naman masasabing opinyon ng istudyante ang nakalagay doon kungdi opinyon ng kanilang guro at ang mga istudyante ay tipong nag-post lamang ng kanilang opinyon upang makakuha ng additional credit.

Marami akong kaibigang nagtapos sa UST, na karamihan ay nagtapos ng journalism habang ang iba ay nagtapos sa iba't ibang kolehiyo ng nabanggit na paaralan.

May mga pinsan ako na nagsipagtapos din sa nasabing paaralan. Maayos na paaralan ang UST, katunay sa unibersidad na ito nagtapos ang ate ko ng BS Math.

Sabi nga ni Thomas Aquinas: There is nothing on this earth more to be prized than true friendship.

St. Thomas Aquinas

Pero dahil kay Institute of Religion professor Aguedo Florence Jalin mukhang masisira ang anumang magandang imaheng binuo ng paaralan sa nakaraang 400 taon.

Ayon sa sulat ni Jalin na kanyang ipinoste sa Akbyan youth website sinabi niyang hindi ill-informed opinion ang ipinoste ng kanyang mga istudyante kung nagpapakita lamang ng magkakasing-ayong pananaw.

Pero kung babasahing mabuti ang isinulat ng mga istudyante para itong naka-template dahil parepareho ang ginamit na mga pananalita. Matatawag bang consistent dahil naka-template?


Sinabi ni Jalin na ang usapin ay moralidad kaya niya inutusan ang mga istudyante na mag-post ng kanilang opinyon sa Akbayan Party facebook fan page kapalit ng extra credit?

Ang tanong ko lang ay puwede bang tawaging panunuhol sa kanyang mga istudyante ang pagbibigay ng extra credit kapag nag-post sa Akbayan Party facebook fan page?

Isa pang tanong, magpo-post ba ang mga istudyante ng kanilang "opinion" kung walang extra credit mula kay Jalin?

Imoral ba ang panunuhol? Ayon kay Jalin, hindi ito panunuhol kungdi isang insentibo, kayo ang humusga.

Kung imoral ang panunuhol, samakatuwid ay nagkasala si Jalin at dapat siyang mangumpisal upang mabigyan ng communion dahil ayon sa katuruang Katoliko, hindi puwedeng mag-communion kung hindi nakapangumpisal.

Sabi nga ni Thomas Aquinas: Clearly the person who accepts the Church as an infallible guide will believe whatever the Church teaches.

Sinabi rin ni Jalin sa kanyang sulat sa Akbayan Youth na sa daigding na akademiya, hinuhubog nila at sinasala ang kaalamang ipinapaabot sa mga istudyante. Ang guro ba ang dapat magpasiya kung ano ang tama at ano ang mali?

Ito ang problema sa akademiya lalo na yong mga religious academe, palaging wala sa realidad ang mga etika na itinuturo sa mga istudyante. Totoo na dapat ay may moral foundation ang mga istudyante ngunit dapat ito ay nakabase sa konteksto ng realidad at hindi ng mga kuro-kuro lamang.

Sabi nga ni Thomas Aquinas: "Distinctions drawn by the mind are not necessarily equivalent to distinctions in reality."


Pero ang mas nakakapanindig balahibo sa isinulat ni Jalin ay ang kanyang pag-iwas sa debate. Matapos niyang ibala sa kanyon kanyang mga istudyante at ipagawa sa kanila ang dapat na si Jalin mismo ang gumagawa ay tumalikod siya sa hamon ng Akbayan Youth.

Sabi nga ni Thomas Aquinas: The highest manifestation of life consists in this: that a being governs its own actions. A thing which is always subject to the direction of another is somewhat of a dead thing.

Wala lang.

Sabi nga ni Thomas Aquinas: Most men seem to live according to sense rather than reason.



No comments: