Saturday, March 19, 2011

Blue Gold



"Darating ang araw, maging hangin ay bibilhin natin," ito ang minsa'y nasambit ng aking yumaong lolo. Nasabi niya ito dahil sa tumataas na halaga sa pagbayad ng kuryente at tubig.

Kahit paano'y tama si lolo. Lahat kasi ng bagay ngayon ay natutumbasan ng halaga. Hindi ba't kaya tumaas ang lupa sa Antipolo at San Mateo sa lalawigan ng Rizal ay dahil lumilipat ang mga tao dun upang makalanghap ng sariwang hangin? Hindi man nila binili ang hangin, binili nila ang mga lupa kung saan may sariwang hangin.

Dito kasi sa Metro Manila iba-iba ang masisinghot mo. May usok mula sa mga sasakyan, may usok mula sa yosi, may usok mula nagsusunog sa kalye. Minsan nga may nakita ako ng nagsusunog ng basura diyan sa  EDSA sa may Quezon Avenue.



Pero maliban sa hangin, may isa pang sangkap na napakahalaga upang magkaroon ng anila'y quality life ang nagmamahal. Ito ay ang tubig. Ang tubig na pangkaraniwan nating binabalewala tulad ng hangin ay isa ng commodity tulad ng iyong paboritong instant mami  o instant kopi.


Kapansin-pansin ang paglaganap ng mga water stations kung saan binibili natin ang tubig na ating iniinom. Malaking negosyo ang water delivery, bottled water at maging ice water na inilalako sa mga lansangan.

At kapansin pansin ang paghuhukay ng Maynilad sa mga kalsada upang maglagay ng pipes para sa tubig. Hindi maitatatwa na malaking negosyo ang tubig. Hindi nga ba't bilyong piso ang ibinayad ng mga Ayala para makuha ang karapatang maging concessionaire ng tubig dito sa Kamaynilaaan.


Maaaring nagtataka kayo kung bakit tubig ang napagdiskitahan kong isulat sa pagkakataong ito. Wala lang, kasi sa Martes, Marso 22 ay World Water Day.

Ginugunita sa araw na ito ang kahalagahan ng tubig. Isang bagay na karaniwan nating binabalewala subalit hindi maitatatwang napakahalaga para mabuhay. Ayon nga sa mga scientist, ang tubig ang basehan ng lahat ng buhay.


Kaya sa araw na ito, ipagdiriwang ko ang tubig, banal man na panlaban sa mga aswang o simpleng galing sa gripo, maiinom man o pampaligo, panghugas ng pinggan, pang-car wash, pangluto, pang-toothbrush, pangmumog, panglinis, pandilig, pang-irrigate, pampalaisdaan, pang-beach, pandagat, pang-tsunami, pangkape, chaser ng brandy, kasama sa shake, nasa water pipe o kasama sa ice tea.


Narito ang top ten na pinakamahalagang gamit ko sa tubig:

10. mainit na tubig sa bath tub kung saan magbabad ng ilang oras. Refreshing di ba?
09. swimming sa beach sa pool, lalo na yong may mga waves na nauuso ngayon sa mga resort. Exciting?
08. mamilmit o manghuli ng isda sa mga sapa o palaisdaan. Relaxing na parang adventure pa?
07. pampaligo. Reinvigorating lalo na after a Sunday run sa Global City o sa Mall Of Asia).
06. panghugas sa paa pagkatapos mababad sa baha. (kakatakot magkaroon ng kurikong)
05. panghugas ng pinagkainan (Yes, pipz, trip ko ang maghugas ng pinggan, parang therapy ito sa akin)
04. pang-toothbrush.  (hygiene ba)
03. pangluto ng aking paboritong pasta, sinigang, nilagang baka, ng red rice, at iba pa. (isa sa mga hobby ko)
02. iniinom kasama ng beer. (social drinking lang, di ba Noldy)
01. iniinom kasama ng aking paboritong barakong kape. (pang-detox na heaven pa, lakas ng amats)


Enjoy water now, it may be the next most precious commodity on Earth.

Wala lang.

No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com