Si Ping the Cat (na may sariling blog na matatagpuan sa http://prettyping.tumblr.com/) ay isang pusakal o pusang kalye. Pero hindi siya 'yong tipong nangangalkal sa mga basurahan, kungdi ang paborito niya ay tuna-based cat food. Hindi rin siya tambay sa kalye, napakalimit niyang lumabas ng bahay. Katunayan palagi siyang tulog at gumigising lamang upang kumain, dumumi o maglaro.
Dahil dito, naglagay ang kanyang owner ng puwede niyang pagkiskisan ng kuko. Napakabagal niyang kumilos at napakalimit ngumiyaw. Kung gutom na ay ginigising ang kanyang owner sa pamamagitan ng pagkiskis sa paa, kung minsan ay sa mukha. Dahil dito, minsa'y naiinis ang kanyang owner na nabibitin ang tulog. Pero sa huli, siyempre ang panalo ay si Ping the Cat!!!
Paborito naman ng karamihan na gustong magbara ang kanilang mga ugat sa puso ang Ping Ping lechon.Sino naman kasi ang hindi makakatanggi sa mapula at malutong na tenga at balat ng letsong baboy? Sa huli, kahit na ano pa ang sabihin ukol sa masamang epekto ng lechon sa kalusugan, panalo pa rin ang bulsa ng mga may-ari ng Ping Ping lechon.
Sabi nga nila, live a little, live dangerously na ang ibig sabihin sa iba ay lumapang ng lechon.
Pero walang bubura at makakasapaw kay Ping the Senator.
Napilitang magtago matapos magpalabas ang korte ng warrant of arrest laban sa dating PNP chief, nitong Linggo ay lumitaw na parang kulugo si Ping the Senator. Tulad ng kulugo na hindi mo alam kung saan at kailan lilitaw, lumitaw si Ping the Senator sa Cebu, kung saan minsan siyang naglingkod bilang hepe ng mga pulis.
Nitong Lunes ng umaga ay nagpa-press con si Ping the Senator sa Senado. Doon ay inisa-isa niya ng mga dahilan kung bakit siya nagalsa balutan at nagtago. Aniya'y ayaw niyang pagbayaran ang mga pagkakasalang inakusa sa kanya tulad ng Dacer-Corbito case.
Sa napanaood ko sa press con, isa lang ang namutawi sa isip ko. Napilitan daw si Ping the Senator na magluto habang nagtatago.
Sabi pa nga niya sa media ay sabihin lang sa kanya ang nais nilang kainin at ito ay kanyang lulutuin.
Naisip kong talagang mahirap ang ginawa ni Ping the Senator. Isispin mong dating heneral, naging senador at ngayon ay kusinero.
Pero sa ganang akin, hindi naman mahirap na trabaho ang pagiging kusinero. Therapeutic pa nga ito sa akin eh.
Ang mahirap ay nagtatago ka na gutom ka pa.
kapatid, balita ko natutong magluto ng litsong pusakal si Ping #3 habang nagtatago. totoo ba yun o chorva lang? :-)
ReplyDelete