"It is unfortunate that VP Binay's effort to talk to Saudi govt about condition of our ofws has been sabotaged by the ill-informed report of Akbayan Cong. Walden Bello. Akala ko ba kakampi kayo ni Pnoy? Bkit nyo sinisira ang relasyon ng Pinas at saudi at nilalagay sa alanganin ang hanapbuhay ng mga kababayan natin sa saudi."
Tatlong beses akong nakatanggap ng text message nitong nakaraang linggo mula sa cellphone numbers 09177654158, 092772526015 at sa 09189999999.
Ang tawag dito ay text blasting o kung ito ay gagawain sa internet ay spamming. Dahil sa dami ng pinapadalhang numero, gumagamit ang mga nagte-text blast ng software upang sabay-sabay na maipakalat ang mensahe at maraming mapadalhan.
At dahil uso naman ang unlimited text ngayon, hindi gaanong kalakihan ang gastos nito bagamat marami ang pinapadalhang mga numero. Efficient di ba?
Magandang gamit ito upang makapagpakalat ng tsismis, disinformation at paninira ng tao.
Nagsimula lumala ang text blasting nitong nakaraang halalan. Kung ano-anong messages ang natanggap ko mula sa magkakaibang kampo. Akala ko ay tapos na ang text spamming na ito matapos ang halalan, pero hindi pa pala.
At kung totoo mang galing sa kampo ni Binay ang text blast na ito, hindi ako naniniwalang alam niya ito.
Hindi ako naniniwalang may kinalaman sa text blast na ito si VP Jejomar Binay.
Hindi kasi ito gawain ng isang Boy Scout.
Hindi gawain ng isang Boy Scout na manira ng ibang tao o kung pupuna man ay magtatago sa likod ng isang text message. Mataas at iginagalang si Binay sa mundo ng scouting sa bansa. Katunay kamakailan lamang ay pinarangalan siya nang ipangalan ang isang Philippine Eagle bilang Scout Binay.
Ang ikalawang dahilan kung bakit hindi ako naniniwalang magagawa ito ni Binay ay dahil isa siyang fratman. Katunayan ay isa siya sa kinikilalang elder ng Alpha Phi Omega (APO) dito sa Pilipinas.
At ang mga fratmen, kung nakikipag-away, hindi dinadaan sa text. Naghahagis na lang ng granada.
So kung hindi boy scout o hindi APO ang gumagawa nito, sino?
Malamang ito ay pananabotahe sa imahe ni Binay, na sa aking pagkakaalam ay nagnanais na makamit ang pinakamataas na posisyon dito sa ating bansa.
Kaya kung ako si Binay ay lilinisn ko ang aking bakuran. Sisiguraduhin kong walang supporter o tauhang makakasira sa kanyang imahe.
Dapat din siyang mag-ingat dahil malamang ang kanyang hanay ay napasok na ng mga kaaway.
No comments:
Post a Comment