Hindi nakakapagtaka na sa Hapon nahango ang salitang TSUNAMI, na ayon sa wikipedia ay nangangahulugan na "mga sunod-sunod na alon na nabuo kapag ang isang bahagi ng tubig, tulad ng karagatan, ay mabilis nabago ng malakihan. Ang mga lindol, malaking pagkilos ng tubig, sa ibabaw man o sa ilalim, pagputok ng bulkan at iba pang uri ng pagsabog sa ilalim ng dagat, pagguho ng lupa, malaking pagtama ng kometa at pagsusubok ng mga kagamitang nukleyar sa karagatan ay maaaring makabuo ng tsunami. Ang epekto ng tsunami ay mapapansin at napakalala."
Ayon naman sa National Geographic sa mga malalakas na tsunami umaabot sa 100 talampakan o mga 10 palapag na gusali ang taas. Karaniwang nagsisimula ang malalaking tsunami kung lumindol sa ilalim ng karagatan o kaya'y may sumabog na bulkan na nasa ilalim ng karagatan.
Karaniwang nangyayari ang Tsunami sa "Ring of Fire" na matatagpuan sa Pacific Ocean. Inilalarawan ng mga katagang Ring of Fire ang magkakadugtong na bulkan sa nabanggit na lugar. Maaari ring magkatsunami kung may sumabog na bulkan sa ilalim ng dagat.
Mabilis magbiyahe ang tsunami na ayon sa mga siyentipiko ay kasingtuling ng ilang jet, o mga 805 kilometro kada oras. At hindi lamang ito isa kungdi sunod-sunod na malahiganteng alon.
Kung matatandaan natin noong 2004, libo-libong tao ang namatay sa Thailand nang salantain ng tsunami ang Phuket. Pero hindi lamang ang Phuket ang nasalanta ng tsunami na bunsod ng paglindol sa ilalim ng Indian Ocean kungdi maging India, Indonesia, Malaysia, Maldives, Myanmar, Somalia at Sri Lanka. Tinatayang hihigit sa 150,000 ang namtay at nawawala sa paglindol na ito.
Naramdaman din ang hagupit ng tsunami sa Bangladesh, Kenya, Seychelles, South Africa, Tanzania, Yemen, Australia, Madagascar, Mauritius, Oman, Reunion (isang bansang pinamamahalaan ng France) at Singapore.
Napakatulin ng pagbiyahe ng tsunami kaya't hindi nakalikas ang mga apektadong bansa.
Ganito rin ang nangyari kahapon sa Japan. Bagamat sanay ang mga Hapon sa lindol, hindi sila handa sa ganitong kalaking paglindol at tsunami.
Habang pinapanood namin sa NHK channel ang mga pangyayari ay nasambit ng aking katabing parang pelikula ang aming nasasaksihan. Aniya'y surreal, parang 2012 ang dating.
Tama naman siya. Parang hindi totoo ang mga pangyayari. Parang pelikula lang.
Kung dito kaya sa Pilipinas mangyayari ito, ano kaya ang mangyayari sa mga Pilipino?
Yari, napakagaling pa naman ng mga Pinoy sa disaster management. Yong paggawa ng disaster mula sa mga natural disaster. Katulad ng Ondoy, disaster na naging disaster pa ulit dahil sa kawalan ng kahandaan.
O kaya ay ang Pinatubo Eruption, disaster na napalala pa ng kawalan ng tunay na paghahanda bagamat matagal na nai-forecast na puputok ang bulkan na matatagpuan sa Zambales.
Kaya nga nagagamit na pang-uri ang mga pangngalan na ito. Halimbawa ay "Patay, mao-Ondoy na naman tayo ang lakas ng ulan." "Yari, baka mag-ala-Pinatubo si nanay kasi nabasa tayo sa ulan at naglaro sa baha."
At simula ngayon, malamang magamit naman ang tsunami blang pang-uri. Halimbawa ay "Tsunami itong si Merci, ayaw pang mag-resign." "Pagkatapos ma-impeach ni Merci, matsu-tsunami naman si Gloria."

No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com