Thursday, March 17, 2011

Yin Yang


Sa mga Intsik ang character para sa oportunidad at sakuna ( (simplified Chinese: 阴阳; traditional Chinese: 陰陽; pinyin) ay halos magkamukha. Dahil para sa mga Chinese may oportunidad sa sakuna at minsan nama'y ang oportunidad ay nagiging sakuna.

Ang tawag sa konseptong ito ay Yin Yang. Pumasok ito sa isip ko dahil sa lindol at tsunami na naganap nitong nakaraang linggo sa Japan. Isang delubyo ang sinapit ng bansa at tinatayang aabot ng bilyon-bilyong dolyar ang inaashang pinsala sa ekonomiya ng Japan.



Ngunit may mga nagsasabi na bagamat malaking sakuna ito, hindi lamang sa ekonomiya kungdi maging sa taong naninirahan sa Japan, malaki rin itong pagkakataon para sa nasabing bansa. Ayon sa ilang ekonomista, maaaring ang sakunang ito ang magbunsod ng panibagong sigla ng ekonomiya ng Japan, na mula sa pangalawang pinakamayamang bansa sa mundo ay nalagpasan ng Tsina at bumagsak sa ikatlo.

Marami ring naniniwalang ekonomista na dahil sa reconstruction at recovery efforts ng Japan ay sisigla muli ang kanilang ekonomiya. Bilyon bilyong dolyar kasi ang gagastusin upang makarekober ng Japan. Masasabing malaking pagkakataon ito para sa Japan, na inaasahang makakakuha ng suporta sa ibang bansa upang muling itayo ang mga nawasak na imprastruktura, tulad ng kalsada, government buildings, airport, seaport at marami pang iba.



Maliban sa kalamidad na dulot ng tsunami at lindol, naapektuhan din ang ilang nuclear reactors ng Japan. Malaking pinsala ang idudulot nito kapag nagtuloy tuloy ang meltdown ng mga nuclear reactors, subalit pagkakataon din ito para sa ibang bansa na pag-aralan ang kasalukuyang sitwasyon ng kanilang mga nuclear reactors.

At ito nga ang ginawa ng Germany, Spain at Estados Unidos.

Dahil sa napakalawak na pinsalang inabot ng Japan, natuon sa kanila ang atensiyon ng buong mundo. Nakakita ng pagkakataon si Muammar Khadafi ng Libya at sinamantala niya ito. Kaysa yumuko sa kagustuhan ng mga Libyans na bumaba sa puwesto at simulan ang bagong yugto sa kasaysayan ng Libya, pinaulanan ni Khadafi ng bala at bomba ang mga nag-rebolusyon laban sa kanyang pamamahala.

Ayon sa ilang nagmamasid sa mga pangyayari, mas malaking trahedya ang nangyayari sa Libya dahil duon, hindi natural calamity ang pumapatay sa mga Libyans kungdi ang mga sundalong maka-Khadafi.

Naniniwala ako na sa kalamidad na dulot ni Khadafi sa kanyang bansa ay may uusbong na pagkakataon upang maituloy ng mga Libyans ang kanilang paglaban sa kapangyarihan ng isa sa pinakamalupit na diktadura sa mundo.

Dito sa Pilipinas, sana ay masamantala rin natin ang pagkakataong matuto sa mga pangyayari sa Japan at Libya.










No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com