Tuesday, April 12, 2011

Manila Times "Unwitting" Reunion


Nitong nakaraang Biyernes, Abril 8, ay nagkitakita muli sa isang reunion ang bumubuo ng The Manila Times na pinangasiwaan ng pamilyang Gokongwei.

Dumating sa reunion na ginanap sa Gilligans restaurant ang magkapatid na Gokongwei na sina Robina at Lisa,  ang mga nagtaguyod sa pahayagan matapos magdesisyon ang pamilyang Roces na ibenta ang isa sa mga itinuturing na haligi ng pamamahayag sa bansa.



Kapwa may background sa mass communications ang magkapatid na Gokongwei kaya't hindi nakakapagtaka na pumasok sila sa publishing business. Ang lokohan nga namin ng barkada ko noon ay naglambing lamang si Robina sa kanyang amang si John kaya binili ang The Manila Times.

Parang ganito ang nangyari:

Robina: Dad, parang sayang naman ang natapos ko sa kolehiyo. Hindi ko ma-practice ang mga natutunan ko.
John: Ano ang nasa isip mo?
Robina: Balita ko ibinebenta ng mga Roces ang diyaryo nila.
John: Ganun ba? Eh di bilhin natin, binebenta pala eh.

Ganun lang kasimple di ba?

Pero sa totoo lang, kakaiba ang ginawa ni Robina sa The Manila Times dahil dito ay binigyan niya ng pagkakataon ang kapwa babaeng sina Malou Mangahas at Glenda Gloria na mangibabaw sa maitutuirng na tradisyunal na "makalalaking" mundo ng pamamahayag.

Pero ang nakakatuwa ay makaraan ang mahigit isang dekada mula noong puwersahin ni dating pangulo at nabilanggong si Joseph Estrada ang mga Gokongweis na ibenta ang pahayagan, ay kitang-kita na ang mga nagtrabaho sa The Manila Times ang maituturing na bituin sa pamamahayag ngayon.

Si Malu Mangahas ang namumuno sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), si Glenda Gloria ang kasalukuyang chief operatig officer ng ANC. Tapos nandun din ang mga tulad nina John Henry Dodson, na ngayon ay isa sa mga batikang public relations officer sa bansa, si Allan Hernandez na editor ng nakakaaliw at nakakabaliw na FHM Philippines.

Nandun din si Raffy Jimenez, ang kasalukuyang news editor ng gmanews.tv, Sandra Aguinaldo, isa na ngayong batikang TV reporter, Ed Lingao, Alcuin Papa, Danton Remoto na nakilala dahil sa kanyang pagusulong ng karapatang ng LGBT, Donna Policar, na ngayon ay nagtatrabaho rin sa Bandera.

Siyempre sino naman ang makakalimot kay Cenon Bibe, ang pasimuno ng Tumbok. Yon nga lang nilisan niya ang diyaryo para lumipat sa kapitbahay nitong Inquirer at mula noon ay hindi na ito tumumbok sa mambabasa at tuluyang nayanig ng ibang pahayagan.

Nandun sina Alex Magno, Romina Austria, Ignacio Dee at marami pang iba na pagkaraang maibenta ng mga Gokongweis ang The Manila Times ay pumalaot sa kani-kanilang mga landas upang hanapin ang mas magandang kapalaran.


Maging ang mga Photog ng The Manila Times ay umarangkada rin tulad ni Edwin Bacasmas, na ngayon ay star reporter ng Inquirer. Nagsimula ang mga careers nina Joey Villar at Olmin Leyba, kapwa ngayon nagsusulat para sa Philippines, sa The Manila Times.

Sa dinami-dami ng mga reunions na napuntahan ko, ito na yata ang pinakamasaya kahit hindi ko kilala lahat ng mga  dumalo lalo na yong mula sa adverstising, treasury at circulation departments.

Sana pala inimbitahan si Erap, para nakita niya ang produkto ng kanyang pagmamaktol sa mga salitang "unwitting godfather."

Kung naging "unwitting president siya", ano ang masama sa pagiging "unwitting"  ninong?










2 comments:

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com