Friday, April 29, 2011

OMG, nagresign si Merci


Nakapagnood ka na ba ng isang pelikulang tila napakaiksi at ang pakiramdam mo ay nabitin ka. O isang pelikulang sa sobrang haba ay natapos na walang wawa.

Ganito ang nangyari sa dagliaang pagbibitiw ni Merci.Tila bitin kasi nga ay papasok na sa Senate trial ang kaso ni Merci tapos nagbitiw bigla ang dating Ombudsman. Bitin di ba.

May pakiramdam naman na sa tagal ng laban na inilatag ni Merci at sa tapang na kanyang ipinakita, hindi dapat nauwi ito sa pagreresign. Nabitin tuloy ang madlang Pinoy.


Marami ang naging haka-haka sa pagbibitiw ni Merci, na ang tingin ng marami ay hindi matitinag sa kanyang pagkakakapit tuko sa kanyang puwesto bilang Ombudsman. Marami ang nagtanong kung ano ang kapalit ng kanyang pagbibitiw dahil bago napabalit ang kanyang pagbibitiw ay napabalita ring nakipag-usap siya kay PNoy.

May mga nagsasabi namang ang pagbibitiw ay bunsod na rin ng pressure mula kay GMA. Dahil anila ay kung magpapatuloy ang trial sa Senado ukol sa kung dapat nga bang sibakin si Merci sa Ombudsman ay mas maraming mauungkat ukol sa pagmamalabis ni GMA, ng kanyang pamilya at mga kaalyado.



Pero hindi naman siguro nangangahulugan na titigilan na ang mga kaso laban kay GMA. Dapat siguraduhin ng mamamayan na puwersahin si PNoy na wag tantanan ang balahurang taga-Pampanga.

Isa pang tanong ay sino ang papalit kay Merci?

May mga balitang ang iuupo sa puwesto upang tapusin ang anim na taong termino ni Merci sa susunod na taon ay si Bobby Tanada, ang dating Senador at anak din ng makabayang Senador na si Lorenzo "Ka Tanny" Tanada.

Ok naman sa akin si Bobby, maliban sa kaya pa ba ng kanyang nanghihinang tuhod ang mga trabahong dapat gampanan sa Ombudsman?

Abangan ang susunod na kabanata sa pinakamainit na teleserye ngayong tag-init.

No comments: