Monday, May 23, 2011

Kasambahay


Iba't-ibang karapatan ang ipinaglalaban ng iba't-ibang grupo. Karapatan sa pagkain, sa tubig, pabahay, pag-uunyon, sa pananalita, edukasyon, at marami pang iba.

Pero ang hindi nabibigayan pansin ay ang karapatan ng mga domestic workers. Dahil dito, masasabing pagtahak sa tamang landas ang layunin ni Akbayan representative Walden Bello na bumuo ng alyansa kasama ang ibang mambabatas sa Asya upang kilalanin ang karapatan ng mga kasambahay. 

“Especially because the Philippines sends out domestic workers en masse, the government must play a major part in the creation of a framework protecting domestic workers rights,” ani Walden ukol dito. 


Noong 2009, 71,557 na mga Pilipino ang napilitang lumayas ng bansa upang makipagsapalaran sa iba't ibang bahagi ng mundo bilang domestic workers. 

Sa kabilang ng malaking naitutulong mga kasambahay na ito sa ekonomiya ng Pilipinas, hindi sila lubusang napo-proteksyunan ng ating pamahalaan, una ay dahil na rin sa maliit na kakayanan ng ating pamahalaan.

“By creating an alliance of Asian countries, we will have greater leverage to negotiate fairer treatment for domestic workers from countries such as Saudi Arabia,” paliwanag naman ni Walden kung bakit kailangan ang alyansa.

Naaabuso ng mga kasambahay, hindi lamang dito sa ating bansa, kungdi lalo na ang nangingibang bansa dahil hindi kinikilala nag kanilang karapatan bilang manggagawa.



"As we saw in Saudi, abuses persists because the rights of domestic workers depend on the prevailing policies and the culture of societies domestics work in,” dagdag ni Walden ukol sa kanyang nakita sa Saudi Arabia nang bumisita sa Middle East country bialng chairman ng 
Committee on Overseas Workers Affairs (COWA) sa mababang kapulungan.

"Hindi mawawala ang pang-aabuso overnight, pero ang isang international treaty na kumikilala sa mga karapatan ng bawat domestic worker ang magbibigay daan sa mas epektibong pagtataguyod ng dignidad ng mga kasambahay na Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa, at dito sa atin.”

“Ang isyu ng domestic work ay hindi natin dapat tratuhing kompetisyon o paramihan ng mga maipapadala sa ibang bansa,” punto pa ni Walden. “We have to treat this as a human right issue – ang bawat kasambahay na lumalabas ng bansa ay may karapatang –pantao na dapat nating protektahan. At sa pagkakaisa ng mga maliliit na bansa, mapapagtagumpayan rin natin ang laban na ito.”

Gaganapin sa Mayo 24-26 ang Asian Parliamentarians’ Forum on Domestic Workers Rights bilang paghahanda sa International Labor Conference na bubuo sa convention ng domestic workers’ rights ngayong June. Dadalo sa forum ang mga kinatawan mula sa Indonesia, Cambodia, Bangladesha at Sri Lanka.

No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com