Ang katagang Workers of the World, unite! ay isinulat nina Karl Marx at Friedrich Engels sa wikang German at mababasa sa The Communist Manifesto (1848) ang literal na salin nito sa wikang English ay Proletarians of all countries, unite!
Sa Pilipino, ito ay maaaring isalin sa Manggagawa ng mundo, magkaisa! Ang isa pang translation ay Obrero ng mundo, magkaisa!
Bagamat sikat ang mga katagang ito, may nauna pang mga pangungusap sina Marx at Engels bago ito. Ito ang "The proletarians have nothing to lose but their chains. They have a world to win. Workers of the world, unite!"
Naalala ko ito dahil ipinagdiriwang ngayon ang International Workers Day o ang Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa.
Nagsimulang ipagdiwang ang Workers Day upang gunitain ang panalo ng mga Stonemasons na magkaroong ng tinatawag na 8-hour work day sa Australia noong 1856. Pero bago naging May 1 ang pagdiriwang, ito ay idinaraos sa Abril 22, ang araw na kung kailan nagwagi nga ang mga Stonemasons.
Naging May 1 ito upang gunitain ang kabayanihan ng mga manggagawa na namatay sa Haymarket Square sa Chicago, USA kung saan binaril ng mga pulis ang nag-strike na manggagawa dahil sa paghingi nila ng hustisya sa pagkamatay ng apat na kasamahang binaril ng pulis sa McCormick Harvesting Machine Co. strike noong Abril 30.
Kasama ang Pilipinas na nagdiriwang ng May Day sa mahigit 80 bansa na kumikilala sa araw na ito bilang Workers Day.
Pero ang panawagan ng pagkakaisa ng manggagawa ay hindi pa lubusang nakikita, watak-watak ang mga labor unions habang patuloy ang pagmamalabis ng mga kapitalista.
Hangga't hindi tatalikdan ng mga manggagawa Pilipino ang kanilang "sektaryanismo" walang pagkakaisang makikita sa mga manggagawang patuloy na magiging alipin ng kapitalistang sistema.
No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com