Ipagdiriwang ngayong Mayo 10 ang ika-isang taon ng pagkahalal kay Noynoy bilang ika-15 pangulo ng Pilipinas. Sinundan ni PNoy ang yapak ng kanyang ina na si Cory Aquino, ang icon ng EDSA, nang mahalal. Sila ang kauna-unahang Mother-Son tandem na kapwa naging Pangulo ng bansa.
Tinalo ni PNoy para sa puwesto ang bilyonaryong si Sen. Manny Villar, na "naligo sa dagat ng basura at nagpasko sa gitna ng kalsada," bago naging bilyonaryo gayundin si Sen. Dick Gordon na ipinuwesto ang sarili bilang Transformer ng Bayan.
Pero dahil mas simpatiko ang mga Pilipino, nahalal si PNoy na nakakuha ng milyon-milyong sympathy votes sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina at siyempre dahil na rin sa kapalpakan ng mga handlers ni Villar, na nabigong maipagpag ang markang siya ang binasbasan ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo at tinatakang VillarRoyo.
Pagkatapos ng isang taon, ano naman ang markang naiwan ni PNoy. Narito, para sa akin, ang mga markang naiwan ni PNoy sa kanyang isang taon sa Malakanyang.
Game(r) si PNoy - Mahilig si PNoy sa video games. Ito malamang ang dahilan kung bakit ayaw niyang gumamit ng wang-wang. Mas exciting kasi kung kaysa pinapatabi sa kalye ang mga sasakyan ay i-o-overtake mo ang mga ito. Ito rin kaya ang dahilan kung bakit siya bumili ng Porsche? Sa bigat ng trabaho ng Pangulo, malamang ito na lamang ang kanyang dibersyon.
Ladies Man si PNoy - Ilang babae na ba ang na-link kay PNoy? Siyempre ang No. 1 na babae sa buhay niya ay si Cory. At ang No. 2 ay si ... ang dami eh. Matapos magwakas ang kanyang relasyon kay Valenzuela City councilor Shalani Soledad, ilang pangalan ang sumulpot at sinasabing ka-date ng bachelor president. Ito ay sina Patricia Ann Roque, Barbie Palagos at Liz Uy.
Loyal si PNoy - Isa sa mga mahahalagang ugali na hinahanap ko sa isang tao ay loyalty. At sa tingin ko hindi kapos sa departamentong ito si PNoy. Mantakin mong patuloy siyang nagtitiwala kay Executive Secretary Paquito Ochoa. Pangalan pa lang pang-kontrabida na di ba? Eh sa dinami-dami ng kapalpakan nitong si Paquito, dapat matagal na siyang kinatay sa Malakanyang, hindi pa kasama diyan ang kapalpakan ni Topakits sa Quezon City bilang City Administrator.
Birador si PNoy - Hindi dahil binabanatan ni PNoy ang kanyang mga political enemies kungdi magaling siyang bumaril. Hindi nga ba't karamihan ng kanyang gabinete ay "shooting" friend niya? Katunayan may mga shooting competitions pa na ginanap bilang parangalan sa ating "Shooting President."
Fashionista (na) si PNoy - Dati ay tila walang paki-alam si PNoy sa kanyang mga isinusuot. Ang mahalaga sa kanya ay hindi mangibabaw sa usapin ng pananamit. Para ngang mas gusto niya ay hindi napapansin. Kaya ang pananamit niya ay pangkaraniwang mga polo shirts, barong at iba pa. Ngayon bagamat ganito pa rina ng karaniwang isinusuot ni PNoy, kapansin-pansin na nagbago ang mga istilo nito. Isama pa rito ang kanyang hair style. Hindi na siya mukhang panot, mukha na lamang siyang bunot, hahaha.
PNoy Before and After
No comments:
Post a Comment