Nitong mga nakaraang linggo ay sumikip ang trapiko sa mga daaanang malapit sa malls. Ang siste ay kanya-kanyang gimik ang mga malls sa pagbibigay ng discount sa kanilang taunang "Summer Sale". Kaya ang dati'y tila nilalangaw na mga shopping mall ay pinutakte ng mga mamimili.
May ibang malls na nagmamayabang na hanggang 70 porsiyento ang diskuwento sa mga piling damit, gamit, at iba't ibang "branded" at "generic" goods.
Hindi naman nagpahuli ang Sandiganbayan at sinabing magbibigay din sila ng bargain deal. Pero kakaibang plea bargain deal ito. Hindi lamang ito pangtag-init, puwede rin itong pang-tag-ulan.
At hindi ito pang-maramihan, ito ay para sa piling tao lamang. "Yong mga taong nandambong sa kayamanan ng pamahalaan ng milyon-milyong halaga ng salapi. Sa tingin ko nga hindi ito para dun sa mga nagnakaw ng P1 milyon lamang o pababa.
Garantisado ang bargain deal kung ang ninakaw mo ay mas mataas sa P100 milyon.
At ang unang kumagat sa "sale" ay si Maj. Gen. Carlos Garcia, na hinahabol ng pamahalaan dahil sa diumano'y nagbulsa ito ng P303 milyon mula sa kaban ng mamamayan. Sumang-ayon ang Sandiganbayan sa tawaran at ang ibabalik na lamang ni Garcia ay P135 million.
Aba'y 45 porsiyentong diskuwento ang naitawad ni Garcia. Hindi lang pala magaling tsumani si Garcia, pambihira rin ang kanyang kakayahan sa tawaran.
Paano kaya makakausap si Garcia para makahingi ng ideya sa pakikipagtawaran.

No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com