Wednesday, June 8, 2011

Chinese bully




Ano ba ang bullying? Sa salitang Pilipino ito ay puwedeng simpleng pang-aasar, pagsiga-sigaan, pagtataray o sa mga bading ay pang-o-okray.

Sino ba sa atin ang hindi nakaranas ng pang-aasar, ito man ay sa opisina, iskuwelahan o sa mall?

Ayon sa http://www.bullyonline.org ang dahilan ng bullying ay itago ang kakulangan. Isinasangkot ng mga siga ang ibang tao para mapagtakpan ang sariling kakulangan.

Ginagawa rin ito upang magkaroon ng dahilang maiwasan ang responsibilidad sa kanilang mga nagawa o ginagawa at ang epekto nito sa ibang tao. 


Kalimitin ginagawa ito upang mabawasan ang takot na makita ang kanilang totoong kahinaan o kalakasan. 

At kadalasan kung ang bullying ay may focus, ito ay nakatuon sa race o gender, tulad ng nangyari sa mga South Africans o Jews.


Ano naman ang bully? Ito ay isang tao na hindi natutong tumanggap ng responsibilidad sa kanyang mga ikinilos. Hindi niya tanggap ang responsibilidad at ang mga hinihingi bilang bahagi ng isang lipunan, paaralan, o ng pinagtatrabahuhan.

Hindi inaako, bagkus ipinapasa ng mga bully sa iba ang responsibilidad sa kanilang mga ikinilos. Hindi nila tanggap na may epekto sa kanilang ginagawa at hindi nila kinikilala na may ibang puwedeng pagkilos kaysa sa kanilang nakaugalian.

At dahil maituturing na isang sakit ang bullying, asahang maghahanap at maghahanap ng biktima ang mga siga.

Sa unang tingin ay may yabang ang pagkilos ng mga nagsisiga-sigaan, pero ang totoo ay mababa ang kanilang pagtingin sa sarili at punong-puno ng galit at poot na kadalasang kanilang ibinubuhos sa iba.

Hindi natutunan ng mga bullies ang mga aral ng kanilang ikinilos.

May kakilala ka bang ganito?

Malamang ang sagot mo ay oo, pero kung usapin ng bansa ang pag-uusapan, puwede kong sabihing dati at hanggang ngayon ay ganito ang Estados Unidos, pero hindi na nalalayo ngayon ang China rito.

Tama ba, Walden?



No comments: