Laging nababanggit ang katagang "If you have a friend like the United States, you don't need enemies."
At sang-ayon ako rito.
Hindi totoong kaibigan ang Estados Unidos dahil ang palagi nitong inuuna ay ang sarili nitong interest.
Kaysa tulungan ang Pilipinas ay nabansot lamang ang ekonomiya at pulitika ng ating bansa. Tandaan nating inubos ng US ang ating likas na yaman at sinuportahan ng kanilang pamahalaan ang diktadura ni Ferdinand Marcos.
Kaya't nang nabasa ko ang quote mula kay US Ambassador Harry Thomas ukol sa pagsuporta ng kaniyang bansa sa usapin ng Spratly, hindi ako nagtaka.
Una ay walang bansa na kasama sa usapin ng Spratly na pasok sa economic zone ng Western Philippine Sea ang maituturing na kaalyado ng US, na naglalaway sa bilyong-bilyong posibleng langis at natural gas sa nasabing lugar.
Hindi maituturing na "natural" ally ng US ang mga claimants tulad ng Brunei, Malaysia, Taiwan, Vietnam at China.
Ang Brunei at Malaysia ay dating colony ng Great Britain. Nakipag-alyado naman ang Taiwan sa US dahil kailangan nila ng magsasalba laban sa Tsina. Lalong-lalo namang hindi kaalyado ng US ang Vietnam na puwedeng magyabang bilang natatanging bansa sa buong mundo na tumalo sa US sa giyera.
Ang China?
Kailangan pa bang i-memorize 'yan, wika nga ng isang radio station.
Eh ang Pilipinas?
Dahil nakaukit sa ating kultura ang pagiging maka-Amerikano, hindi nakakapagtaka na humingi tayo ng tulong sa Estados Unidos, na ang tingin ng mga Pinoy ay isang taga-pagligtas.
At maraming natuwa nang bigkasin ng Ambassador Thomas ang hinihintay ng maraming maka-Amerikanong Pinoy.
"I assure you, in all subjects, we, the United States are with the Philippines," wika ni Ambassador Thomas ukol sa usapin ng Spratly Islands.
Pero ang nakikita ko rito ay nais lamang mapatatag ng US ang kanilang hegemony sa ating bansa at sa buong Asya.
Ano ang dapat gawain upang tuluyang maisulong ng Pilipinas ang interest nito sa Spratly?
Hindi tayo dapat humingi ng tulong sa US, bagkus kailangan nating i-modernize ang ating Sandatahang Lakas, lalong-lalo na ang ating navy bilang isang archipelago.
Huwag tayong umasa sa US dahil hindi naman natin sila kaibigan. Kung tutuusin mas malaking pinsala ang idudulot ng ating paghingi ng tulong sa kanila dahil maitatabi na namang muli ang interest na Pilipinas at ang interest ng US ang mangingibabaw.

No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com