Thursday, June 2, 2011

Western Philippine Sea


'Wag na wag ka raw makikipag-giyera sa China dahil sa dami  pa lang ng mamamayan nito ay talo ka na. Isipin mo naman kung ano ang mangyayari kung sabay-sabay na umihi ang mahigit isang bilyong tao sa tinatawag nilang South China Sea, eh di malamang tumaas ang tubig nito at ang epekto nito ay baha sa Pilipinas.

Ang panghe siguro!!!


At paano naman daw kung sabay-sabay tumalon ang isang bilyong tao? Malamang na magkaroon ng malawakang lindol. Eh paano naman daw kung sabay-sabay dumura ang isang bilyong Tsino? Syet, parang ayoko nang isipin.

Pero naniniwala pa rin akong kahit na gaano kalaki ng Tsina, kayang makipagsabayan ng mga Pinoy sa kanila. 

Hindi dami ang gagamitin natin laban sa mga Tsino, kungdi talino!!!

Kaya sang-ayon ako kay Walden Bello at Atty. Kaka Bag-ao, ang mga kinatawan ng Akbayan sa Mababang Kapulungan, nang ipahayag nila  ang panukalang palitan ang pangalan ng South China Sea sa Western Philippine Sea.

Itinuturing kasi ng Tsina na ang karagatang ito ay hindi dagat kungdi isa lamang lawa na anila'y pag-aari at dapat pagharian ng mga Tsino.

"The Philippines government must assert its authority over Philippine territories. By renaming the South China Sea to Western Philippine Sea, we are taking a proactive move that strengthens our claim to these controversial waters and the natural resources found within,” paliwanag ni Walden. 

Nakakapinkon na kasi itong mga Intsik, lahat ng mga isla sa Western Philippine Sea ay kanilang kinukubkob dahil mapagkukunan ng natural resources ang karagatang ito.

Mula nang tayuan ng mga Tsino ng kung ano-anong istruktura nag Panganiban reef, na nakapaloob sa 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas na kinikilala ng international ocean law bilang teritoryo ng Pinas, hindi na tinantanan ng Tsina ang pagkopo sa iba pang maliliit na isla.

“China has been bullying its way to establish dominance over marine resources that are clearly within Philippine territory. It has been using the same tactics in pursuing its claim to the Spratlys group of islands,” dagdag ni Bello. “Ano pa ba naman ang pipigil sa incursions, samantalang mismong ang dagat ay nakapangalan sa kanila?

Kamakailan lamang ay nadiskubre ng Pilipinas na kinubkob ng Tsina ang Reef-Amy Douglas Bank, na matatagpuan sa Timog-Kanluran ng Recto (Reed) Bank at Silangan ng Patag (Flat) Island na nakapaloob sa 200 nautical miles Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pinas.

“It’s time we send a clear message to the Chinese government that we have had enough of their incursions. It is time we demand them to recognize and respect our authority over our own territory, and there is no better way to do that than to declare that body of water as Western Philippine Sea,” punto ni Bello.

Ang pagtatalaga ng Western Philippine Sea o Kanlurang Dagat ng Pilipinas ang subject ng  House Resolution 1350 ni Walden na humihiling sa Kongreso na magsagawa ng imbestigasyon at pag-aaral kung paano ito magagawa.

Tandaan natin, walang malaking nakakapuwing. Dapat pa bang ipaalala ang labanang David at Goliath. Automatic 'yan!!!

No comments: