Tuesday, July 5, 2011

Niluto ng Korte Suprema



Sabi nga ng Eraserheads, nakakatindig balahibo.

Ganito ang dating sa akin ng desisyon ng Korte Suprema nang balewalain nito ang Stock Distribution Option (SDO) na ipinamahagi ng Cojuangco family sa mga magsasaka kapalit ng lupa sanang ipapamudmod base sa agrarian reform law ng bansa at muling ipag-utos ang pagsasagawa ng referendum kung ano ang mas gusto ng mga magsasaka-stock certificates o lupa.


Pero sa isang banda, hindi nakakapagtaka ang desisyon dahil ang sumulat nito ay si Justice Presbitero Velasco Jr., na siya ring sumulat sa napakatalinong desisyong ang pagpapakalbo ay katumbas ng pagwewelga.
.
Kasama sa mga sumang-ayon sa kagalang-galang at "napakatalinong" hukom ay ang kasingtalino niyang sina  Associate Justices Teresita De Castro, Lucas Bersamin, Jose Perez, Roberto Abad, at  Mariano del Castillo.

Bagamat sumang-ayon sa  desisyon sina Associate Justices Arturo Brion, Maria Lourdes Sereno, Martin Villarama at Jose Catral Mendoza na balewalain ang SDO, tinanggihan din nila ang panukalang magkaroon muli ng referendum, na siyang dapat ginawa ni Chief Justice Renato Corona na hindi lumahok sa  deliberasyon dahil ang paniniwala niya sa kahulugan ng land reform ay pagbibigay ng lupa at hindi stock certificates. 

Kung ganun ay dapat ipinaglaban niya ang kanyang opinyon. 

Sa hindi ko maintindihang dahilan ay nag-inhibit si Justice Antonio Carpio. Bakit? 

Bahala na ang konsensiya nina Corona at Carpio na umusig sa kanila. Iyon ay kung mayroon pa sila noon,.

Hindi naman dumating sa en banc session ng Supreme Court si Diosdado Peralta. 

Tama si Akbayan Rep. Walden Bello, ginagamit lamang ng kagalang-galang na hukom ang isang demokratikong kapamaraanan upang gisahin sa sariling mantika ang mga magsasaka.

“What is most odious in the erroneous decision is that it will be done under the guise of free and conscious choice of the farmers themselves. A democratic tool will be used to subvert democracy. As the saying goes, ginigisa sa sariling mantika ang mga magsasaka,” wika ni Bello ukol sa desisyon ng hukom.

“Clearly, what ought to have been a chance to correct the mistakes of the past and serve as a symbol of agrarian reform’s triumph over landlordism has become a window of opportunity to once again hoodwink and bamboozle the HLI farmers and ultimately, derail agrarian reform.  Yet, what makes the decision deviously unique is that the blame will be placed squarely on the farmers,” dagdag ni Bello.

Tama nga naman, sa huli ang masisisi pa ay ang mga magsasaka dahil sila ang pipili. Pero hindi ba't wala na dapat pagpilian kungdi ibigay na lamang ang lupa dahil ito ang isinasaad ng batas?

“The law is clear on the matter- land distribution is the only option, no “ifs or buts”. The CARP clearly said that the SDO is not part of it and only distribution is warranted as the genuine avenue of agrarian reform,” punto ni dating Akbayan representative Risa Hontiveros.

Magagamit pa ngayon laban sa ibang magsasakang naghahangad na magkaroon ng sariling lupa ang desisyon ng Korte Suprema. Nakikinita ko na ang pagdami ng mga referendum upang maunsiyami ang land reform sa bansa.

“The planned referendum serves as a lifeline for those who will benefit the most from an undistributed Hacienda Luisita,” paliwanag ni Akbayan representattive Kaka Bag-ao. 

Hay, buhay. Mabuti na lang at hindi ko naging tatay si Justice Presbetiro Velasco Jr.



No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com