Nasa P20 paper bill na ito si Manuel L. Quezon, ang itinuturing na ama ng wikang Pilipino. Astig itong si Manuel L. Quezon dahil noong panahong hawak sa leeg ng mga Amerikano ang Pilipinas ay ipinaglaban niyang magkaroon tayo ng sariling wika. Ang totoo ay sa saligang batas ng Pilipinas noong 1937 naging batas na magkaroon ng wikang Pilipino.
Yes, ate at kuya, si Manuel ang reason why we celebrate Linggo ng Wika tuwing Agosto.
When I was young, tinatanong ko kung why we have to celebrate Linggo ng Wika. Parang "Why celebrate something so natural?" Bulakenyo kasi ako kaya hindi ko naisip na may iba pang wikang Pilipino.
Eh ang reasons pala to celebrate ay upang sariwain natin kung paano natin dapat i-embrace and use our language.
Aminado ako na hirap akong magbasa ng mga nobela o anumang babasahin sa Pilipino language. I enjoy reading novels and other writing materials in English kahit hindi ako matatas magsalita nito.
Nakakawindang di ba?
Pero wait lang, bakit ba nagkaganoon?
Maybe ang dahilan ay ang mga textbooks natin na written in English. Sa school we are thought by our teachers using the English language.
So we think in English and speak in Filipino.
Magulo di ba? Total bullshit, right?
At sa tingin ko the Philippines itself thinks like me. We run the economy like the Americans, our culture is like the American's. Even our political system is like the American's.
Amerikano tayo mag-isip pero yagit ang buhay nating mga nakatira sa PI as in Philippine Islands, as those bullshit Fil-Ams would refer to my country.
Yucky!!!
But kung titingnan natin we don't need English upang umunlad ang isang country. The truth is naging balakid pa nga ang English sa pag-unlad ng ating bansa.
Look at the Japanese, the Koreans and even the Europeans, especially the Germans.
Obvious naman na hindi sila sana'y umingles, pero ang uunlad ng bansa nila.
Ang dahilan nito malamang ay dahil may isa silang language, nagkakaintindihan sila.
Hindi naman English ang ginagamit ng mga Koreans kapag gumagawa ng mga Samsung appliances o ang mga Japanese kapag gumagawa ng kotse at ang mga Germans kapag binubuo nila ang mga BMWs at Mercedes Benzes.
Ang masakit nito maging ang batas natin ay nasa English. Tingnan natin ang Kongreso at Senado. English din ang ginagamit na official language.
Kaya I admire PNoy during the last State of the Nation Address (SONA) dahil Filipino ang ginamit niyang wika.
Because of that, madaling naintindihan ng mga Pilipino ang kanyang mensahe.
To end this blog entry, here is a song by Juan dela Cruz, the greatest Filipino band ever. Ang Himig Natin...or in this case Ang Wika Natin!!!
thanks to lolo manny q for our perfect taglish! :-)
ReplyDelete