Nang mabasa ko kung paano at bakit nagpatiwakal si Atty. Benjie Pinpin ay lumuha ang puso ko. Pero nung nabasa ko ang mga suicide letters niya sa kanyang asawa, anak at ina ay napuno ng galit ang buong pagkatao ko.
Hindi lang nakakapanindig ng balahibo bagkus nakakagalit ang mga pangyayari.
Narito ang isang abogado na naghahangad ng magandang buhay, maayos na career at mabungang kinabukasan para sa kanyang pamilya at mga anak pero napilitang isuko ang buhay dahil nasangkot sa korapsyon.
Sariwa pa sa aking ala-ala kung ano ang ginawa ni dating defense chief Angelo Reyes na nagpatiwakal dahil naipit sa mga "pasalubong" at "pabaon" sa militar. Maraming nagsasabi na naging pangkaraniwan ang ganitong mga pangyayari sa military institutions ng bansa upang mapanatili ni GMA at ng kanyang pamilya ang loyalty ng mga heneral at military officers.
At ngayon naman ay tumambad sa atin ang isa pang mukha ng korapsyon at ito ay sa Development Bank of the Philippines kung saan nakapangutang ang kaibigan ni Atty. Mike Arroyo na si Roberto V. Ongpin. Nakapangutang ang grupo ni Ongpin ng pera sa DBP bagamat ang kanyang kumpanya ay walang sapat na capitalization at walang sapat na ari-arian.
Pero pinagkakitaan ni Ongpin at kanyang mga kasama ang inutang na pera dahil ginamit nila ito upang makabili ng mga shares of stocks sa Philex na kanila namang ibinenta sa grupo ni Manny Pangilinan, na mas kilala bilang operator ng Salim Group of Indonesia dito sa Pilipinas.
Ano ang kinalaman ni Atty. Pinpin dito?
Lumalabas na malaki ang kinalaman kung paano naka-utang sa DBP ang grupo ni Ongpin. At nang imbestigahan ng Malacanang ang mga pangyayari ay naiipit si Pinpin, Benjie sa kanyang mga asawa at anak, at malamang na makulong.
Hindi nakayanan ni Benjie ang pressure sa kanya at nagpatiwakal tulad ni Angelo Reyes.
Ilang tao pa ang kailangang magpakamatay dahil sa kabalastugan ni Gloria Macapagal Arroyo at kanyang pamilya?
Hindi ko alam, pero isa lang ang alam ko. Walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay at walang nanatili magpakaylanman. (none is for sure, none is forever).
Kaya naniniwala akong isang araw, sa malapit o malayong hinaharap, may magbabayad hindi lamang sa Sambayanang Pilipino kungdi sa mga pamilya ng mga nagpatiwakal na mga taong ito.
No comments:
Post a Comment