Friday, August 19, 2011

Makulit na pasaway pa

click image to watch the youtube video
Makulit ang tawag sa mga taong paulit-ulit. Kaya kadalasan kapag may barkada tayong laging nagtatanong ang tawag natin ay "Kulit" at sinisigawan nating "Ang kulit mo naman eh."

Puwede ring tawaging makulit ang mga taong ayaw paawat pero sa positibong pamamaraan. Tipong mga komedyante. At kapag ganito ang sitwasyon ang nababanggit natin ay "Ang saya, ang kulit, nakakatawa." Parang yong comedian sa video. Makulit.

Kung minsan ay mga makukulit ay tinatawag naman nating pasaway. Ang dahilan ay dahil sa paulit-ulit nating pagsaway ay tayo ang nagiging makulit.

Pero hindi lang pala sa mga personal na karanasan natin nay makukulit, maging sa mundo ng ekonomiya ay may tinatawag na makulit. Ayon kay Men Santa Ana ng Action for Economic Reform, ang tawag dito ay binding constraints.

Sa mga ekonomiya ang translation nila rito ay "umiiral na hadlang" sa akin ay simpleng 'paulit-ulit na hadlaang." O sa ibang salit ay ang mga pabigat.

Sa Pilipinas ang paulit-ulit na sinasabing makukulit na dahilan kung bakit hindi umuunlad ang Pilipinas at hindi pumapasok ang kapital mula sa ibang bansa ay ang mataas na pasahod. Pero bakit mura ba ang pasahod sa Hong Kong at Singapore? Bakit ang daming pumapasok sa kanilang foreign investment?

Isa pang sinasabing makulit na hadlang ay ang kakulangan ng imprastraktura. Pero ang mga bansang tulad ng Indonesia, Malaysia at Vietnam ba ay may sapat din imprastratura? Bakit sila pinapasok ng foreign investment?

Sa tingin ko ang makulit at paulit-ulit na dahilan na tila wala ng pagbabago ay ang kawalan ng political stability sa bansa.

Nagsimula ito noong panahon ni Marcos. Dahil sinolo ni Marcos ang kapangyarihan sa pulitika, marami ang nag-aklas at naglaho ang "kapayapaang" pampulitika.

Pagkaraang mawala si Marcos nagbalik ang demokrasya sa bansa, subalit ang kapangyarihan ay nanatiling hawak ng mga mayayaman sa bansa. At ang mayayamang ito ay tila naglalaro lamang na sumasawsaw sa pulitika upang mapanatili nilang hawak ang kapangyarihan.

Kaya't ang tawag sa demokrasya sa Pilipinas ay "elite democracy."

Ganito ang nangyari noong panahon ni Cory at maging sa panahon ni Fidel. Maging sa panahon ni Erap. Lumalala pa ito noong panahon ni Gloria dahil ginamit niya ang kapangyarihan at salapi ng taumbayan upang mapanatili ang pagkakahawak sa kapangyarihan.

Ngayong panahon ni PNoy ay ganito pa rin.

At hindi ako umaasa na mawawala ang kakulitang ito hangga't ang pampulitikang kapangyarihan sa bansa ay hawak lamang ng iilang pasaway na siyang naglalaban-laban para sa Malakanyang.

No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com