Wednesday, August 10, 2011

Ospital at Rehas


Usap-usapan ang muling pagbabalik ni Gloria Macapagal-Arroyo sa ospital dahil na-impeksyon ang unang operasyon ginawa sa kanyang leeg. Nilagyan ng titanium brace ang kanyang leeg upang itama ang anomalya sa mga buto na nagpapasakit umano sa kanyang leeg. Ayon sa mga doktor tila ito sinusundot ng karayom.

Nang marining ko ito ay napadasal ako. Hiniling ko sa Diyos na kanyang tulungan ang mga doktor upang mapabuti ang kalagayan ni GMA. "Iligtas mo o Diyos ang pinakakurakot na pangulong nasilayan ng bansang ito."

Kahit hindi ako Kataliko ay muntik na akong mapamanatang magnonovena ng paluhod sa Pasay at magsisimba sa Quiapo tuwing Biyernes.



"Tulungan mo po o Diyos ang mga doktor upang mailigtas at mailayo sa kapahamakan ang pinakapaboritong pangulo ng mga heneral," usal ko.

Taimtim kong inusal ang mga panalanging ito dahil gusto ko talagang makaligtas si GMA at makalabas ng ospital upang sa likod ng malalamig na rehas ng bilibid magpagaling.

Ayokong maagang dalhin sa kanyng huling hantungan ang dating pangulong binansagang pinaka-corrupt na pangulo ng Piliinas na nalampasan pa ang pagkaganid ng ama ni Sen. Bongbong na si Ferdinand Marcos.

May mga nagsasabi kasing nalampasan pa ni GMA ang nakurakot ng pamilyang Marcos at kanyang mga alipores.

Ayoko ring mamatay si GMA at baka katulad ni Marcos ay ilagay sa isang freezer ang kanyang katawan habang pinagdedebatihan kung dapat siyang ihimlay sa Libinganng mga Bayani.

Kung magkaganito, inaasahang kong dadagsa na naman ang mga text messages na nagpapahiwatig ng kung ano-ano para lamang malibing si GMA sa Libingan ng mga Bayani.

Ilang araw ko na naman ang masisira sa kaiisip kung sinong mga ulol ang nagpapadala ng text.

Kaya kung ako ang masusunod magtatayo na ako ng Libingan ng mga dating Pangulo. Yong nga lang ay nahahati sa dalawa, sa kanan ay ang para sa pinatalsik na pangulo at sa kaliwa ay sinubukan pero hindi napatalsik na pangulo.

Wala lang. Yon lang.

No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com