Bilang isang ama, kasama sa responsibilidad ko ang mag-grocery.
Sa toto lang enjoy ako sa gawaing ito. Napipili ko kasi hindi lamang ang gusto kong bilihin kungdi maging ang mga pagkain na kinokumsumo sa bahay
Pero kung papipiliin ako ay hindi ako sa Savemore market ng SM mamimili. Una ay ayokong dagdagan ang kayaman ng mga may-ari nito na nagmula sa hirap at pawis ng mga contractual employees. Hindi nga ba't binansagang Contractual King si Henry Sy dahil halos wala yatang rank and file na nagiging regular sa kanyang mga tindahan.
Ito rin ang dahilan kung bakit wala akong SM Loyalty Card. Bakit ako magiging loyal sa isang negosyanteng hindi loyal sa kanyang manggagawa?
Nagpupunta ako sa Savemore kung kinakailangan lamang. Pero kung maaari ay hindi ako rito namimili hindi dahil walang Colgate products sa grocery na ito kungdi iniiwasan ko talaga bilang pakikiisa sa mga manggagawang walang seguridad sa trabaho.
At dahil pabago-bago ang mga empleyado, hindi kabisado ng mga ito ang kanilang trabaho. Hindi mo masisi ang mga manggagawa na hindi nila alam kung nasaan ang hinahanap mong items at hindi ka nila matutulungan.
Isa pang dahilan ay dahil pinapatay ng Savemore ang mga pamilihan saan man ito pumunta. Sa huling bilang ayon sa website ng Savemore (http://www.smsupermarket.com/smsupermarket/save_more.php) ay may mahigit 20 na ang bilang nito at patuloy pang darami.
Nakakabalisa at nakakaiyak nga na sa website ng Savemore ay sinabi pang "Shop owners that adapt to the changing needs of the community continue to thrive and improve the quality of their products upon Savemore's entry to the community."
Wala akong datos pero sigurado kong apektado ang mga maliliit na grocery stores dahil sa pagpasok ng mala-higanteng Savemore na tila 7-11 convenience store na mala-kabuteng sumusulpot sa kung saan-saaang mga komunidad.
Isa pang grocery na iniiwasan ko ay ang Puregold. Katulad ng Savemore, tila ito kabuting umuusbong kung saan-saan.
Ang masakit pa nito, itinuturing ng Puregold na tila mga "magnanakaw" ang mga mamimili nila. Isipin mong sa pagpasok mo sa mga tindahang ito ay kakapkapan ka. Bubusisiin ang bag mo. At ganito rin ang gagawain sa iyo bago ka lumabas.
Kapag maraming namimili ay mas mahaba pa ang pila sa exit dahil binubusisi ng mga gwardiyang babae ang pinamili na tulad sa isang check point.. Hihingiin ang resibo at tatatakan. Sa akin ang dating nito ay namili ka na, suspek ka pang shoplifter.
Ang tindi di ba?
Pero ang mas nakaka-irita, katulad sa Savemore, ay palaging walang panukling barya ang mga kahera sa sa Puregold. Ikaw pa ang hihingian at kung walang maibigay ay uuwi kang sobra ang ibinayad.
Kung may malapit na Robinsons Supermarket sa aking tinitirhan o sa aking pinagtatrabahuhan ay malamang dito ako mamimili.
Isa ito ang grocery store na may maganda akong karanasan. Hindi ka itinuturing dito na kawatan. Ang turing sa iyo ay isang mahalagang parukyano. Hindi ka man itinuturing na hari, hindi ka naman itinuturing na magnanakaw.
Isa pa sa kinakaaliwan ko sa Robinsons ay ang kanilang Fit and Fun Buddy Run. Ilang beses na akong nakasali sa pakarerang ito at talaga namang madarama mo na pinapahalagahan ka bilang customers.
Sa grocery lamang na ito ako mayroong "card". Ang tawag nila rito ay The Wise Card. Hindi ko alam ang "IQ" ng card na ito at tinawag nilang Wise Card pero siguro ang ibig sabihin nito ay Wise ang mayroong nito. Kung gayon, wise pala ako. He he he.
Maganda ang naging karanasan ko sa Shopwise, kaya nga dinadayo ko pa ang kanilang grocery sa Cubao bagamat may kalayuan kung saan ako nakatira.
Pero sulit naman dahil lahat ng kailangan ko ay nasa grocery na ito. Kung baga ay wala ka ng hahanapin pa. At kung kailangan mo talagang maghanap, madaling mabatid kung nasaan ang hinahanap mo dahil kabisado ng mga empleyado kung saan matatagpuan ang iyong kailangang bilihin.
Ang maganda sa grocery na ito ay maraming kahera. HIndi matagal ang paghihintay upang mabayaran ang iyong pinamili. Hindi ka rin itinuturing na suspect sa shoplifting bago lumabas ng grocery. Tutulungan ka pang sumakay sa iyong sasakyan o taxi.
Palagi ring may nakahandang panukli ang mga kahera. Hindi ka maiisahan sa mga barya.
Hindi ko lang alam kung katulad din sila ng Savemore na walang kasiguraduhan sa empleyo ang mga manggagawa.
Ngunit kung karanasan ang pag-uusapan, ayos ang karanasan ko sa Shopwise.
3 comments:
"bakit ako magiging loyal sa negosyanteng hindi loyal sa mga manggagawa niya?" --- Toom-Pakh! Nakana mo, brod! :-)
http://www.thedailypedia.com/2014/07/alleged-shoplifter-demands-public-apology-from-shopwise/
i boycott ang sm wala yan malasakit sa mga pilipino syempre tsekwa may ari eh..
Post a Comment