Na-three stars ko ng lahat ang Angry Birds stages sa Chrome version. Masayang laruin. Naalala ko pa noong kabataan ko sa Malolos City ay tirador ang laruan namin. Ang kaibahan lang ay ibon ang tinitirador namin.
Katulad ng milyon-milyong "adik" sa computer at online game na ito, malaking oras ang ginugol ko upang ma-three star ko ang chrome version. Mahirap wasakin at pabagsakin ang mga kinalalagyan ng mga baboy na nais gantihan ng mga ibon dahil sa pagnanakaw ng kanilang mga itlog. Pero sa tiyaga ay nagawa ko rin.
Pero alam ba ninyo na bago nauso ang Angry Birds ay naunang naging "box office" hit ang The Birds, ang pelikulang dinerehe ni Alfred Hitchcock at pinagbidahan ni Tippi Hedren, ang ina ni Melanie Griffith, na naging asawa nina Don Johnson at Antonio Banderas.
Sa pelikulang The Birds, na ipinalabas noong 1963 at itinuturing na isang masterpiece ni Alfred, inatake ng mga ibon ang mga tao sa isang isla na matatagpuan sa Bodega Bay ng halos walang dahilan.
Sa simula ay tila nagpapakamatay lamang ang mga ibon. Pero habang tumatagal ay dumadami ang pagsalakay ng mga ibon na bumabangga sa mga bintana, pinto, bahay at mga sasakyan.
Hindi ipinaliwanag sa pelikula kung bakit ganito ang naging asta ng mga ibon, at iyon ang nagbigay ng misteryo sa pelikula na ngayon ay itinuturing na isang "classic".
Nagsimula naman ang Angry Birds bilang isang mobile game na murang-murang ibinenta ng Rovio Mobile, isang kumpanya sa Finland.
Ini-release ang laro sa Apple iOS noong Disyembre ng 2009 at mula noon ay 12 million na ang nag-download nito. Ilang buwan ang nakakaraan ay naglabas din ng Chrome version na kabaliktaran ng Apple version ay libre at may offline mode.
Naging tagumpay ang online game dahil simpleng laruin, makulay at higit sa lahat nakakaadik.
Dahil sa tagumpay ng mobile game, naglabas na rin ang Rovio ng mga computer at game console versions. Kapag pinagsama-sama ang iba't ibang paraan kung paano ito malalaro, tinatayang matatagpuana ng Angry Birds sa 300 milyon devices.
May mabibili ka na ring tsinelas, t-shirt, pencil, cap, messenger bag at iba't ibang merchandise ng Angry Birds merchandise.
May niluluto na ring Angry Birds the movie.
Kung nahihirapan ka namang malampasan ang mga stages ng Angry Birds, may mga websites din na nagtuturo o nagbibigay ng mga tips tulad ng www.angrybirdscheats.net. Puwede ring bisitahin ang www.angrybirdsnest.com para sa chome version.
Dahil sa tagumpany na tinatamasa ng Angry Birds, hindi nakakapagtaka na pipiratahin ito ng mga Intsik. Ayon sa mga balita ang Angry Birds ay kasama sa top three brands na pinipirata sa China.
Katunayan may theme park sa China na ang tema ay Angry Birds. Sabi nga "imitation is the best form of flattery."
Pero hindi masaya ang mga taga-Rovio sa pagkopya sa kanilang blockbuster game. Lalabanan daw nila ito.
Well, iyon ay kung kaya nila. Sa tingin ko ay sa ayaw at sa gusto ng Rovio ay public domain na ang Angry Birds at hindi nila mapipigilan ang pagpirata sa kanilang produkto.
2 comments:
salamat sa pagtatama ng isang reader na hindi nga naman si Michael Johnson kungdi si Don Johnson ang napangasawa ni Melanie
Post a Comment