Monday, September 19, 2011

Monday Photos - Quezon Memorial Circle Pixels

This is my take on the Quezon Memorial Circle and the people who enjoy the place. 
Isa sa mga dahilan kung bakit masasabi kong isa akong proud citizen ng Quezon City ay ang Quezon Memorial Circle. Napabayaan ito noong panahong ang namahala rito ay si Charito Planas. Pero ngayon, masasabing astig ang lugar na ito. May softball, baseball at football field na rito ngayon. Mayroon ding rock climbing at zip line. Ang dami pang makakainan. At siyempre, kung gusto mong tumakbo, ayos dito.



Dahil mapuno, masarap maglakad sa QMC kahit medyo mataas ang araw.

At home ang mga kabataan sa lugar na ito. Ang dami kasing guwardiya na nagbabantay upang masiguro ang seguridad ng mga bisita. And by the way, bawal manigarilyo sa loob ng QMC maliban yata dun sa may malapit sa mga restoran upang mapagbigyan ang mga adik sa nicotine.

Presko. Sarap matulog sa QMC!!! Malakas at banayad ang hangin. Aantukin ka talaga.

Kabaliktaran dati, nakakatakot pumunta sa QMC dahil nakikipag-patintero ka sa mga sasakyan para tumawid. Ngayon ay may dalawa ng underpass. Ang nasa larawan ay ang underpass malapit sa Philcoa, ang isa ay harapan ng Quezon City Hall.

Hulaan ninyo, saan matatapuan ito sa QMC?

No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com