May katulad na kataga si Jose Rizal at ito ay ang "Ang hindi lumingon sa kanyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kanyang parooonan.
Bakit ko ito nabanggit? Dahil Setyembre na. At napakaraming nangyari sa kasaysayan sa buwan ng Setyembre lalo na sa ika-21 ng buwang ito.
21st Sept. 1998 : Ipinalabas sa television sa unang pagkakataon ang testimonya ni Bill Clinton ukol sa kanyang relasyon kay Monica Lewinsky. Napilitang depensahan ni Clinton ang kanyang mga naunang pananalita ukol sa isyung ito dahil may mga nagsasabing nagsinungaling siya sa kanyang testimonya.
21st Sept. 1931: Nagkaroon ng bank run sa Estados Unidos dahil nawalan ng tiwala ang Kano sa kanilang banking system. Dahil dito, 800 bangko ang nagsara at lumala ang "Great Depression" sa nasabing bansa.
21st Sept. 1931: Nagdesisyon ang Great Britain na abandunahin ang Gold Standard.
21st Sept. 1937 :Ito ang araw na na-publish ang "The Hobbit" ni J.R.R. Tolkiens.
21st Sept. 1938 : Isang hurricane na may hanging ang lakas ay 185 miles kada oras ang tumama sa New England. 700 ang namatay at milyon-milyong ari-arian ang nawasak. At dahil sa pagbaha, umabot ng 60,000 ang nawalan ng tirahan.
21st Sept. 1982 : Unang araw ng pagdiriwang ng International Day of Peace.
21st Sept. 1938 : Tinanggap ng France at England ang pagsalakay ng Germany sa Czechoslovakia kapalit ng kapayapaan. Binasa ng maraming bansa ang desisyon ng France at England na pagyuko sa Germany ni Hitler.
21st September 1939 : Dahil sa paglawak ng giyera sa Europe, hiniling ni Pres. Roosevelt sa Kongreso na amyendahan ang Neutrality Acts upang makapagpadala ng tulong pangmilitar sa mga bansang giniyera ng Nazi.
21st Sept. 1949 : Ipinroklama ang Communist People’s Republic of China sa ilalim ng pamamahala ni Mao Tse Tung.
21st Sept. 1971 : Tinanggap bilang kasapi sa United Nations ang Bahrain, Bhuttan at Qatar.
21st Sept. 1965 : Tinanggap na kasapit ng United Nations and Gambia, Maldives at Singapore.
21st Sept. 1964 : Naging independiyenteng bansa mula sa United Kingdom ang Malta.
21st Sept. 1972 : Ipinanganak si Liam Gallagher, ang singer ng Oasis.
21st Sept. 1866 : Ipinanganak ang English writer na si H.G. Wells.
16 Sept. 1991 : Pinalayas ng Pilipinas ang mga base militar ng Kano na matatagpuan sa Clark Air Base at Subic Naval Base. Sa araw na ito, nangibabaw ang pagkamabayan ng mga Senador na sina Senate Pres. Jovito Salonga, Juan Ponce Enrile, Agapito "Butz" Aquino, Joseph Estrada, Teofisto Guingona Jr., Sotero Laurel, Orlando Mercado, Ernesto Maceda,Aquilino Pimentel Jr., Victor Ziga, Rene Saguisag at Wigberto Tanada at bumoto sila laban sa kasunduang magpapatuloy sa bansa ang mga base ng kano.
21st Sept. 1972 : Matapos idirehe ng noon ay Defense Minister na si Juan Ponce Enrile at ngayon ay senador ang pambobomba sa ilang bahagi ng Metro Manila, idineklara ni President Ferdinand E. Marcos ang Martial Law.
No comments:
Post a Comment