Monday, October 24, 2011

Utak pulbura

Larawan mula sa www.jdslanka.org.
Narinig na natin ang katagang "utak wang-wang". Ayon kay PNoy, ito ang mga taong ipinagmamayabang sa pamamagitan ng paggamit ng wang-wang o sirena ang kanilang posisyon sa pamahalaan. Kaya nga noong si PNoy ay naupo sa puwesto ay kaagad niyang ipinagbawal ito.

Kamakailan ay narinng naman mula kay Sen. Enrile ang "utak bang-bang" na ayon sa senador ay ang mga taong nag-aarmas upang maprotektahan ang mga sarili laban sa banta sa kanilang buhay.

At nitong mga huling araw, dahil sa pagkasawi ng ilang special forces sa Basilan, ay lumalabas ang tinatawag na "utak pulbura". 

Ito ang mga taong ang nakikitang solusyon sa kapayapaan ay hindi paggamit ng mapayapang pamamaraan kungdi karahasan. Kasama rito ang nakulong at dating pangulong si Joseph Estrada, ang kanyang anak na si Sen. Jinggoy at dating PNP chief at ngayo'y senador na si Ping Lacson, gayundin ang dating defense chief ni Marcos at ngayon ay senador na si Juan Ponce Enrile. 

Sinibak naman sa posisyon si Army spokesperson Col. Antonio Parlade Jr. at si Col. Alexander Macario bilang commander ng  Special Operations Task Force (SOTF) sa Basilan. Bago ito sinibak din sa posisyon si  Lt. Col. Leo Pena, ang commanding officer ng  4th Special Forces (SF) Battalion.

Sinibak si Parlade dahil tahasan niyang hiningi ang suspensiyon ng ceasefire upang malusob ang mga umambus sa mga sundalo.

Ang malaking katanungan ngayon ay masosolusyunan ba ang problema natin sa mga Moros na  daang libong taon ng nagliliyab sa pamamagitan ng "utak pulbura". 

Ilang libo na rin ang namatay, bilyong ari-arian ang napinsala at bilyong piso ang halaga ng pagkakataon pang-ekonomiya ang naglaho dahil sa karahasan sa Mindanao.

Dahil dito, masasabing tapos na ang panahon ng karahasan bilang solusyon sa kahilingan ng mga Moro. Hindi karahasan ang nagpaluhod sa mga Moro noong panahon ng mga Kastila. Maging ang mga Amerikano ay halos sumuko sa karahasan nang subukang payukuin ang mga Moro. Maging ang  dating diktador na si Marcos ay hindi nakaporma laban sa mga Moro.

Tandaan natin na bago pa dumating ang mga Kastila at Amerikano ay nagsasarili na ang mga Moro. At hindi rin mga taga-Maynila ang nagnasang masakop ang Mindanao kungdi ang mga kolonyalistang Kastila at Amerikano na kapwa naglaway at patuloy na naglalaway sa kayamanang mamimina, makakahoy, malalambat sa Mindanao.

Sa totoo lang, ang Maynila bago dumating ang mga Kastila ay pinamamahalaan ng mga Moro. Hindi ba't Moro rin si Rajah Lakandula,  Rajah Sulaiman at ang anak ni Lakandula na si Magat Salamat. Lahat sila ay lumaban sa mananakop na Kastila.

Masasabing hindi magiging solusyon ang karahasan. Isang politikal na solusyon ang dapat na mapag-kaisahan. Kung ako nga ang masusunod ay mas maganda pa sigurong ibigay at ibalik sa mga Moro ang pamamahala sa mga lugar na tinatawag nilang Ancestral Domain.

Kung sakaling makapagsarili sila at sa kabila nito ay hindi nila napaunlad ang kanilang nasasakupan, wala silang ibang sisisihin kungdi ang mga sarili.

At hindi lahat ng Moro, tulad sa pamahalaan, ay puro utak pulbura. Naglabas ang Reform ARMM Now (RAN) ng statement ukol sa karahasan nitong mga nakaraang araw at kanilang ipinakita na hindi karahasan kungdi pampulitikang solusyon ang kailangan,

Narito ang kanilang statement:



The Reform ARMM Now (RAN), a broad coalition of civil society organizations, peace advocates, and young Moro professionals assailed former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile, and Senator Panfilo Lacson as warmongers out to spill blood of innocent civilians.

“Estrada and his ilk has never been in the midst of war, thus it is easy for them to call for an all-out war unmindful of its effects on civilians,” said Salic Ibrahim, chairman of RAN.

Estrada called for an all-out war that was supported by Enrile and Lacson after 22 soldiers were killed in Basilan by forces under the Moro Islamic Liberation Front followed days later by another incident in Sibugay province where 7 soldiers and policemen were killed.

“Enrile and Lacson are the sopranos in the choir of war and drumbeaters of discord while Estrada is their conductor,” said Tom S. Villarin, executive director of the Siad Mindanao Convergence for Asset Reform and Regional Development (SIMCARRD) also a member of RAN.

“We support President Aquino in exercising strong political will in pursuing the peace process.  We don’t pander to the mob mentality of an all-out war peddled by warmongers,” said Samira Gutoc, a media practitioner and member of RAN.

RAN, however, supports the Armed Forces of the Philippines in going after lawless elements and terrorist groups like the Abu Sayyaf Group.

“The high road that the President is taking does not preclude in going after those who spill the blood of innocent civilians through acts of terrorism and plain murder,” said Atty. Anwar Malang of the Bangsamoro Lawyers Network, a member of RAN.



SALIC IBRAHIM
Convenor, Refrom ARMM Now!
Mobile: 09088849822


No comments: