Ngayong naaresto na si Gloria Macapagal-Arroyo, dapat na siyang magbitiw bilang kinatawan ng kanyang distrito sa Pampanga.
O kung hindi man siya magbibitiw bilang kongresita ay dapat siyang suspendihin.
Kung talagang may sakit siya at dapat niyang magpatingin at magpagamot, dapat ang inuna niya ay ang pagbibitiw upang makapamili ng papalit sa kanya bilang kinatawan ng kanyang distrito at constituents.
Unfair naman kasi sa kanyang constituents na umasang siya ang kakatawan sa kanila sa Mababang Kapulungan. Kung totoong may sakit siya at kailngan niyang isuot ang mga props na isinusuot niya upang umayos ang kanyang kondisyon, hindi niya magagampanan ang kanyang tungkulin bilang mambabatas.
Kaya't ang lohikal na dapat niyang gawain ay magbitiw bilang mambabatas.
Kung hindi naman siya magbibitiw, dapat sigurong suspendihin na siya ng Mababang Kapulungan dahil hindi rin niya magagampan ang kanyang tungkulin habang nakakulong.
Wala kasing bail ang paratang na election sabotage na isinampa laban sa itinuturing na pinaka-corrupt na pangulo ng bansa.
Paano magagampanan ni Gloria ang kanyang tungkulin kung siya ay may sakit at nakakulong pa?
Upang hindi naman siya mapraning habang naka-hospital arrest ay maaari niyang sariwain ang kanyang kabataan habang pinapakinggan ang awiting "Please Release Me" ni Engelbert Humperdinck.
No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com