Tuesday, November 29, 2011

#jailGMA


Dumadami ang gumagamit ng hashtag na #jailGMA.

Hindi ito nakakasorpresa dahil maliban sa kanyang kapamilya at kapuso, kasama na marahil ang kanyang mga abogago, este, abogado, ay wala naman talagang nagnanais makitang si Gloria Macapagal-Arroyo ay nakakulong sa kanyang P50,000/day hospital suite.


At sa aking opinyon, maging ang house arrest ay hindi katanggap-tanggap. Hindi ba't lahat ng inuusig ng batas, laluna't walang bail ang kanilang kaso, ay dapat nakapiit sa isang kulungan.

Kaya nga hindi ako sang-ayon na ang pinatalsik at nakulong na dating pangulong si Erap ay sa isang "mansion" sa Tanay nakulong. At doon ay nabibisita ng kung sino-sino halos anumang oras.

At kung babalikan si GMA, kulungan bang masasabi ang kanyang bahay sa Badjao St., La Vista Subd. sa Kyusi sakaling pumayag ang korte na ilagay siya sa house arrest?

Kulungan ba 'yon? Ang alam ko ay isang subdivision ito ng mga mayayamang PNoy na ang mismong developer ay ang pamilya ng kanyang asawang si Atty. Mike Arroyo.

Kesyo ba dating pangulo, kesyo ba kongresista, kesyo puro kayo kesyo. Eh paano yong kesyo dapat lahat ng nililitis, mayaman man o mahirap, dapat nakakulong?

Kapag pinagbigyan ng korte ang kahilingan ni GMA at ng kanyang mga abogado, muling makikita ang kaibahan sa mga nasasakdal na mahihirap at mayaman.

Kung mayaman ka, tila nagbabakasyon ka lang. Kung mahirap ka, malamang kakosa mo sa city jail ang mga Sputnik, Batang City Jail at iba pang gangs.

Sabi nga ng aking paboritong lolo na si Manila Mayor Alfredo Lim, "The law must apply to all, otherwise none at all."

What do you think, Mayor?

Habang nagmumuni-muni si GMA sa posibleng kanyang sapitin, narito ang Halik ni Hudas, ang awiting pinasikat ng Wolfgang.




No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com