Monday, November 14, 2011

Karma ni GMA


Karma? Ito na kaya ang nararanasan ni Gloria Macapagal-Arroyo at ng kanyang pamilya?

Bago natin ito sagutin, alamin muna natin kung ano ang ibig sabihin ng karma. Ayon sa isang wikipedia article, ang literal na kahulugan ng karma ay mga "gawa" o "kilos" pero hindi lamang sa pisikal kungdi maging sa pag-iisip at salita.

Ito ay nangangahulugan din na ang bawat kilos natin ay may kaakibat ding kontra kilos. Mas madaling maintindihan ito sa paliwanag na "Kung ano ang itinanim, ito ang iyong aanihin."

Samakatuwid mga repapips, inaani na kaya ni Gloria ang bunga ng kanyang mga itinanim? Ano-ano ba ang masasabi nating "itinanim" ni Gloria at bakit masasabi nating nakakarma siya?

Natatandaan naman nating lahat ang "Hello Garci" scandal na muntik na magpabagsak sa kanyang pamahalaan. Inamin ni GMA na nakipag-usap siya kay Comelec commissioner Garcillano noong halalang 2004 at pinlano nila kung paano mamaniobrahin ang halalan sa Mindanao upang matalo si FPJ at maipanalo naman si Gloria.

May paiyak-iyak pa at nag-sorry pa si GMA pero pagkatapos siyang bugbugin ng kung ano-anong batikos ay ginamit niya ang kamay na bakal upang mapaluhod ang mga kalaban niya.

Hindi natapos dito ang anomalya ni GMA. Ginamit niya ang militar upang manatiling nasa poder at kinunsinte ang kabalastugan ng mga heneral na tumanggap ng milyon-milyong halaga ng salapi mula sa kaban ng bayan. Hindi nga ba't nagpakamatay pa si dating general at defense chief Angelo Reyes dahil nasangkot siya sa "pasalubong at pabaon."

Hindi lang yang Hello Garci at pasalubong-pabaon scam ang dumikit sa pangalang Arroyo. Nandiyan din ang fertilizer scam kung saan milyon-milyong piso ang ginamit na pabuyo para sa halalan nooong 2007. Nadiin dito si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn Bolante dahil minaniobra niya ang P728 milyong pondo ng kanyang ahensiya.

Marami pang kabalastugang kinasangkutan itong si GMA kaya nga tinawag siyang most-corrupt president sa kasaysayan ng Pilipinas.

At ngayong naiipit na siya dahil sa pagnanais ng pamahalaang PNoy na dalhin siya sa hukuman ay ginagamit ang sakit upang makalabas ng bansa.

Karma na nga ba ito ni GMA o nakakuha lang ng katapat ang pinakamaliit na pangulo sa kasasaysayan ng bansa?

Sabi nga nila, walang higanteng nakakapuwing at hindi man higante si GMA, wala namang katapat ang ginawa niyang pagmamalabis sa bansa. Masahol pa raw ito sa ginawang pang-aabuso ng dating diktador at human right violator na si Ferdinand Marcos, ang ama ni Sen. Bongbong Marcos, asawa ni Imelda, ama ni Governor Imee Marcos.

Kung ang mga Marcoses na halos isang henerasyong nagpasasa sa kaban ng bayan ay hindi nakaiwas sa KARMA, makakaiwas kaya ang mga Arroyos?

Narito ang awit ng Culture Club na may pamagat na Karma Chameleon at iniaalay ko ito kay GMA...may your karma guide you.

No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com