Bilang tugon sa desisyon ng pamahalaang PNoy na itigil ang pagpapadala ng Pinoy workers sa ilang piling bansa na hindi umano nakakatugon sa Republic Act 10022 o sa Migrant Workers and Overseaas Filipinos Act of 1995, nagsulat ang isang OFW na nangangalang Lito Nucum sa http://thefilipinomigrants.blogspot.com/ ngkanyang komento ukol sa usaping ito.
Basahin ang kanyang pananaw sa hakbang na ito ni PNoy.
Pinoy, paano ka na ngayon?
Ni Lito Nucum
“NOW, THEREFORE, the POEA Governing Board RESOLVES, AT IS HEREBY RESOLVED, to stop the deployment of OFWs to the above-mentioned countries for non-compliance with the guarantees required under RA 10022”
Inilabas na nga ang POEA GB Resolution No.7, Series 2011 at tinukoy dito ang 41 bansang hindi pa nakapag-comply sa Rule III of RA 10022.
Ito nga kaya ang tamang kasagutan para mailayo sa ibayong dusa ang isang Pilipino na nais makipag-sapalaran sa ibang bansa? Mapa -Afghanistan, Iraq, Libya, Lebanon, Kuwait, Saudi Arabia man ito, bakit pilit pa rin ang Pinoy na umalis at suungin ano man ang panganib na maaring naghihintay sa kanya sa mga bansang naturan o sa mga iba pang bansa na “non-compliant” pa daw sa Rule III, ng RA 10022?
Ang alam ko, karapatan ng bawa’t Pilipino ang maghanap-buhay maski saan mang lupalop ng mundo. When the state failed to provide its own people of sustainable employment, tutunganga na lang ba si Itay at Inay at tingnang nakangiti ang isang katerbang mga anak habang tirik ang mata at nakanganga ang bibig sa gutom?
SURVIVAL, buhay ng buong pamilyang Pinoy ang nakataya dito kung kaya’t kinakalampag natin ang damdamin ng gobyerno “NOT TO IMPOSE DEPLOYMENT BAN” saan mang bansa.
Alam kong nare-realize ng ating gobyerno ang kakulangan ng sapat na pagkakataon sa ating bansa na magkaroon ng magandang hanap-buhay. Kaya nga maski na labag sa Section 5 ng RA 10022 “… shall allow the deployment only of skilled Filipino workers” libu-libo pa ring ineng, ate, nanay, tita at lola ang pilit na nagsusumiksik sa mga bansang talamak ang pang-aabuso. Ano sa palagay ng gobyerno natin, maki-kichismis sila doon, makikipag-kareoke lang. Gising…… kailangan nilang mabuhay ng marangal.
Marami dyan sa atin sa gobyerno ang de-kotse, magandang bahay sa Forbes, Dasma o kaya Alabang, mga anak Ateneo, UP, La Salle, signature ang mga kasuotan, smartphones, pa Belo-belo pa. Well, after all madali lang naman sabihin “Lord, I am not worthy to receive you but only to say the word and I shall be healed”. Until next kumpisal ulit. Tapos gusto pa nilang hawakan ang ating buhay, ang ating kinabukasan.
Anyway, mabalik ako sa punto ng ating pinag-uusapan.
Narito ang ilang bahagi ng nabasa kong lathala na sinulat ni LBG, GMA News.
“DOLE Secretary Baldoz said the ban will affect “a little over 200” OFWs, who she said can avail of the government’s intrgration program if they wish to return home”.
“Earlier Wednesday the POEA ordered a deployment ban on 41 countries for the lack of guarantees ensuring the welfare of overseas Filipino workers”.
“… she said many of the OFWs deployed to the 41 countries are employed by globally operated companies and are not covered by the deployment ban”.
Nagtatanong lang ako kung saan nakuha ng Kagalang-galang na DOLE Secretary yung “a little over 200”. Baka ikako typo-error lang ito at nakulangan lang ng dalawang zero. Kasi ayon sa pananaliksik ko sa datos ng POEA, merong 21,948 (see attached table) ang landbased OFWs ang legal na nagta-trabaho sa mga naturang bansa. Unang-una sa listahan ang Libya na kung saan mahigit 11,000 dakilang kababayan ang nandoon na kahit na may giyera ay pinili ng karamihan na hindi muna umuwi.
Salamat naman kung “a little over 200” lang ang apektado sa ban sa 41 countries na ito na ang ibig sabihin yung mga 21,700 nating kababayan ay nagta-trabaho sa “globally operated companies” kaya hindi sila covered ng deployment ban. Pero ganito kaya ang magiging pananaw ng mga taga BI. Eh, walang hinihintay ang mga kapatid dyan sa BI kung hindi ang mga ganitong Resolution at iba pang government orders na siyang nagiging sanhi ng lalong pasakit sa Pinoy na gustong mag-hanap buhay sa abroad. Sa mga taga BI, ginto ang mga bansang naturan oras na naging epektibo na ang GBR (Governing Board Resolution) 7.
Tiyak ko marami sa ating mga kababayan na nagta-trabaho sa naturang mga bansa ay mag-aatubiling mag-bakasyon sa pangambang hindi na makabalik sa bansang siyang kumakalinga’t nagbigay ng hanap-buhay sa kanila. Paano na? “Inday, sorry Ma, e-explain mo na lang sa mga bata kung bakit hindi tayo magkakasama sa paskong ito. Merry Christmas. I love you all very much at God bless, ingat”.
Tulad nating taga – Nigeria. Marami sa atin ang naging biktima ng “deployment ban”. Isa na ako doon. Kaya naman malakas ang loob kung maglabas ng aking saloobin. At malakas na sumisigaw pa ring nananawagan ‘ALISIN ANG DEPLOYMENT BAN”, or else isa naman malaking katanungan ang bubulaga sa atin. PINOY PAANO KA NA NGAYON? Lalo na kung aanga-anga ka sa iyong karapatang pang-tao.
Pasalamat talaga ako sa Panginoong Diyos at nandyan sina butihing Ellene Sana at Karen Gomez Dumpit at ang dating Human Rights Commissioner na si Gng. Leila De Lima na ngayon ay Secretary ng Department of Justice. Sa tulong nila ay nagkaroon ako ng ibayong lakas ng ako’y maharang sa Immigration dahil ayaw kong makisabay sa laban. Ibinigay ang tunay sa serbisyong pinoy at ginawa ang daang matuwid pero naging bingi ang Immigration. Higit ang bisa ng pinag-sama- samang kulay ubeng papel. Walang nagawa ang prinsipyo ko sa kinabukasan ng mga anak ko. SURVIVAL na talaga ang usapan.
Tungkol sa partial deployment dito sa Nigeria hindi rin talaga dapat. Kasi maliwang ang nasasaad sa Section 6 RA 10022. Termination or Ban on Deployment, which states “notwithstanding the provisions of Sections 1 and 5 of this Rule, in pursuit of the national interest or when public welfare so requires, the POEA Governing Board, after consultation with the DFA, at any time, terminate or impose a ban on the deployment of migrant workers”.
Eh ano bang national interest at public welfare ang apektado para magkaroon ng ban sa isang bansa na compliant na nga, tulad ng bansang Nigeria na siyang nagbigay - buhay sa ating mga pangarap na hindi nagawa ng ating sariling bansa. Tapos mag-iimpose pa ng ban., Ito ba ang isusukli sa bansang kumupkop sa atin. Ang hiyain siya sa buong mundo. Talipandas at walang utang na loob ang ating gobyerno. Sa halip na salamat ay sampal ang igaganti. Napakasakit Kuya Eddie.
No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com