Matalas ang dila, matapang na pananalita. Tila isang kanto boy na nanghahamon.
At ginaya pa ni Chief Justice Renato Corona ang istilo ni PNoy. Nagtalumpati sa wikang Pilipino.
Pero tila hindi kumagat ang drama ng mahaderong hurado. Kaysa makakuha ng simpatiya, mukhang lalo pa itong kinutya at pinagpiyestahan ng batikos.
Kitang-kita sa mga hatawan sa Facebook kung paano nilait-lait ang Punong Hurado, na binanatan si PNoy na isa raw diktador.
Nasa ibaba ang banat ni Josel at tinanong "Sino ang ginagago mo?" ukol sa ipinoporma ni Renato na anti-dictator siya.
Sinundan pa ito ni Josel ng kantiyaw ukol sa pagtatalumpati ni Corona sa Pilipino at binigyan ng unsolicited advise ang hurado.
Nginaratan naman ni Akbayan Rep. Walden Bello si Renato at sinabihang isa itong BS sa kanyang privilege speech sa Mababang Kapulungan. Ayon kay Bello sa kanyang speech "Mr. Speaker and dear colleagues, as I was listening to the speech of Mr. Corona, I could only have one thing going thru my mind. And that was the English word B.S. Lahat po ng sinabi ni Corona, sa tinging ko ay B.S. I will not spell out that acronym. Let me just say that what was going on in my mind was, given his record of a thorough defender and lapdog and bulldog of Gloria Macapagal Arroyo evident in all his decisions, what came to my mind was, what a hypocrite, what a crook."
Maganda ang naging reactions sa speech na Walden at maraming nagsabi na totoo ngang bastardong hurado si Renato
Idinagdag pa ni Bello sa kanyang Facebook status na,
Isa pa sa mga nagbigay ng kanilang kuro-kuro laban kay Renato ay si Marcelino Decena, aniya
Oo nga naman.
Hindi naman kasi ang separation of power ng executive at judiciary ang usapin dito. Ang usapin ay ang pagdepensa ni Corona kay GMA, na nagtalaga sa kanyang bilang isang midnight appointee.
Ang isang hurado dapat walang pinapanigan. Pero si Corona, halatang halata.
Ang hurado dapat may piring sa mata, pero si Corona mukhang nabighani sa ganda ni Gloria.
Ngayon kung ganiyan ang Chief Justice, dapat lang na ma-impeach.
No comments:
Post a Comment