Unholy Trinity: Gloria, Merci, Corona |
Isa ba siyang matipunong pangulong handang ipaglaban ang kapakanan ng bansa o gumagawa lang siya ng alingasngas upang maipakitang seryoso siyang maipatupad ang kanyang pangako noong halalan?
Isa ba siyang masugid na agent of change na ang hangarin ay walisin ang mga gahaman sa pamahalaan?
Nakakagulat kasi. Isa-isang binabasag ni PNoy ang "Unholy Trinity" ni Atty. Mike Arroyo. Siyempre kasama sa trinity na ito ang asawa niyang si GMA na ngayon ay nagbabakasyon na sa Veterans Hospital, si dating Merceditas Gutierrez na napuwersang nagbitiw dahil sa pressure ng mamamayan na iwanan niya ang puwesto.
At sa kasalukuyan ay binabaston ni PNoy si Chief Justice Renato Corona, isang midnight appointee, at kilalang supporter ng mga Arroyo.
Hindi ko inaasahan na ang isang nicotine addict na pangulong tulad niyang naluklok sa puwesto dahil namatay ang kanyang ina ay magkakaroon ng tapang at pursigidong hahagarin ang mga tulad ni Gloria Macapagal-Arroyo at ang kanyang mga alipores.
Kadalasan, o nakaugalian na sa ating bansa na pinapabayaan na lamang ang mga malalaking taong nasasangkot sa anomalya. Kahit na kasi wala na sila sa puwesto ay ginagamit nila ang kanilang impluwensiya para maiwasang humarap sa batas. Ito nga ang ginawa ni GMA bago bumaba sa puwesto, kung sino-sinong Herodes ang ipinuwesto para madepensahan siya pagbaba niya.
Pero, mukhang nag-iba na nga ang hangin. Hindi ko alam kung dulot ito ng climate change o ng amoy Paskong hangin pero ang masasabi ko ay may pagbabago.
Mukhang seryoso si PNoy na gawaing legacy ang pagpapakulong sa mga Arroyos at kanilang mga alipores.
Kung hindi magbabago ang hangin at makakapagtakda si PNoy ng isang pamantayan para sa mga susunod na pangulo ng bansa, maganda ito para sa kinabukasan ng Pilipinas.
Sa ngayon, masasabi kong masaya ang Pasko kahit hikahos ang mga Pilipino kasi mukhang pinaninindigan ni PNoy na habulin ang mga talipandas sa pamahalaan.
Hindi ko pa masabi kung magiging maganda ang Bagong Taon. Pero kung masisibak si Corona, ang isa sa mga Unholy Trinity, bilang chief justice na alam ng mamamayang patuloy na nagbibigay ng lakas sa mga Arroyos, magiging maaliwalas ang baong taon.
No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com