Thursday, February 24, 2011

Marcoses

America's Boy: The Marcoses and the Philippines

Iba't ibang kapamaraanan ang gagawaing paggunita sa ika-25 anibersaryo ng People Power revolt. Makulay at malawak ang gaganaping pagdiriwang lalupa't anak ng Edsa uprising icon na si Cory Aquino ang nakaupo ngayon bilang pangulo.

Siyempre nais ni Noynoy na maipagdiwang ang legacy ng kanyang yumaong ina.

Pero sa pagdiriwang sa taong ito at sa mga nakaraang taon, may nalilimutan ang taumbayan.

Oo ang Edsa ngayon ay itinuturing na simbolo ng demokrasya, pagkakaisa ng mamayang Pilipino at pagbabago. Pero huwag nating kalimutan na ang Edsa ay simbolo rin ng lahat ng karumaldumal na ginawa ng mga Marcoses.

Ang Edsa ay simbolo ng pag-aaklas laban sa diktadura, korapsyon, panunupil sa karapatang pangtao at kaganidan ng mga Marcoses.

Huwag nating kalimutan na kaya nag-alsa ang taumbayan ay dahil hindi na nito masikmura ang pambubusabos na ginawa nina Makoy at Meldy sa taumbayan.

Ilang libong Pilipino ang namatay dahil nilabanan ang diktadura ni Marcos. Ilang libong Pilipino ang namatay dahil sa hindi makataong pamamalakad ng diktadura.

Ilang bilyong piso ang ninakaw ni Marcos, ng kanyang pamilya at ng kanyang mga alipores sa kaban ng bayan. Tandaan natin na ang trilyong pisong inutang ng mga Marcoses ay binabayaran pa natin at babayaran pa ng mga susunod na henerasyon.


At lalong wag nating kalimutan na nagawa lahat ito ni Marcos dahl sa tulong ng Estados Unidos.

Oo, kakutsaba ni Marcos ang Estados Unidos sa kanyang mapanupil na diktadura. Ang Estados Unidos ang nag-armas sa militar na ginamit ni Marcos upang supilin ang mga bumabatikos at lumalaban sa kanyang diktadura.

Ang Estados Unidos, sa pagnanais nitong mapanatili ang base militar nila dito sa Pilipinas at mabantayan ang kanilang interes sa Asya at Pasipiko, ang kumalinga at nagbigay buhay sa diktadura ng mga Marcoses.

Kaya't hindi masasabing hindi pa tapos ang Edsa Revolution. Ito ay isang chapter lamang sa paghahangad ng mga Pilipino na magkaroon ng tunay na bansang kakalinga sa kanyang mamamayan.

Isang bayang may pamahalaang hindi kumakatig sa interest ng ibang bansa kungdi sa interes ng mga mamamayan nito.

Kaya't sariwain natin ang Edsa revolution at huwag kalimutang, hindi pa tapos ang laban.






Tuesday, February 22, 2011

UST professor

 
Click the pix to read the news article about UST profesor

Mag-aaral ng Uste ang anak ko, kaya noong lumabas ang balitang may isang propesor sa UST na nagbibigay ng extra credit kung magpo-post ang mga istudyante niya ng kanilang "opinyon" ukol sa pamaimigay ng Akbayan Party ng condom noong Valentine's day sa facebook account ng partido, nabahala ako.

Tinanong ko agad ang anak ko kung totoo ito dahil nang bisitahin ko ang facebook account ng Akbayan, napansin kong hindi naman masasabing opinyon ng istudyante ang nakalagay doon kungdi opinyon ng kanilang guro at ang mga istudyante ay tipong nag-post lamang ng kanilang opinyon upang makakuha ng additional credit.

Marami akong kaibigang nagtapos sa UST, na karamihan ay nagtapos ng journalism habang ang iba ay nagtapos sa iba't ibang kolehiyo ng nabanggit na paaralan.

May mga pinsan ako na nagsipagtapos din sa nasabing paaralan. Maayos na paaralan ang UST, katunay sa unibersidad na ito nagtapos ang ate ko ng BS Math.

Sabi nga ni Thomas Aquinas: There is nothing on this earth more to be prized than true friendship.

St. Thomas Aquinas

Pero dahil kay Institute of Religion professor Aguedo Florence Jalin mukhang masisira ang anumang magandang imaheng binuo ng paaralan sa nakaraang 400 taon.

Ayon sa sulat ni Jalin na kanyang ipinoste sa Akbyan youth website sinabi niyang hindi ill-informed opinion ang ipinoste ng kanyang mga istudyante kung nagpapakita lamang ng magkakasing-ayong pananaw.

Pero kung babasahing mabuti ang isinulat ng mga istudyante para itong naka-template dahil parepareho ang ginamit na mga pananalita. Matatawag bang consistent dahil naka-template?


Sinabi ni Jalin na ang usapin ay moralidad kaya niya inutusan ang mga istudyante na mag-post ng kanilang opinyon sa Akbayan Party facebook fan page kapalit ng extra credit?

Ang tanong ko lang ay puwede bang tawaging panunuhol sa kanyang mga istudyante ang pagbibigay ng extra credit kapag nag-post sa Akbayan Party facebook fan page?

Isa pang tanong, magpo-post ba ang mga istudyante ng kanilang "opinion" kung walang extra credit mula kay Jalin?

Imoral ba ang panunuhol? Ayon kay Jalin, hindi ito panunuhol kungdi isang insentibo, kayo ang humusga.

Kung imoral ang panunuhol, samakatuwid ay nagkasala si Jalin at dapat siyang mangumpisal upang mabigyan ng communion dahil ayon sa katuruang Katoliko, hindi puwedeng mag-communion kung hindi nakapangumpisal.

Sabi nga ni Thomas Aquinas: Clearly the person who accepts the Church as an infallible guide will believe whatever the Church teaches.

Sinabi rin ni Jalin sa kanyang sulat sa Akbayan Youth na sa daigding na akademiya, hinuhubog nila at sinasala ang kaalamang ipinapaabot sa mga istudyante. Ang guro ba ang dapat magpasiya kung ano ang tama at ano ang mali?

Ito ang problema sa akademiya lalo na yong mga religious academe, palaging wala sa realidad ang mga etika na itinuturo sa mga istudyante. Totoo na dapat ay may moral foundation ang mga istudyante ngunit dapat ito ay nakabase sa konteksto ng realidad at hindi ng mga kuro-kuro lamang.

Sabi nga ni Thomas Aquinas: "Distinctions drawn by the mind are not necessarily equivalent to distinctions in reality."


Pero ang mas nakakapanindig balahibo sa isinulat ni Jalin ay ang kanyang pag-iwas sa debate. Matapos niyang ibala sa kanyon kanyang mga istudyante at ipagawa sa kanila ang dapat na si Jalin mismo ang gumagawa ay tumalikod siya sa hamon ng Akbayan Youth.

Sabi nga ni Thomas Aquinas: The highest manifestation of life consists in this: that a being governs its own actions. A thing which is always subject to the direction of another is somewhat of a dead thing.

Wala lang.

Sabi nga ni Thomas Aquinas: Most men seem to live according to sense rather than reason.



Monday, February 21, 2011

Gen. Limot este Gen. Ligot

I-klik ang pix upang mapanood kung paano nakalimot si Gen. Ligot

Nakakasira ng araw.

Ganito ang dating sa aking ng pagnanakaw ng mga heneral sa kaban ng bayan na inilagak sa sandatahang lakas ng Pilipinas.

Habang ang maraming Pilipino ay isang kahig isang tuka ang kalagayan, narito ang mga heneral at ginagawang gatasan ang Armed Forces of the Philippines.

Matapos mabuking ang "pasalubong at pabaon" ng mga heneral, lumabas naman pangungurakot ni AFP competroller Jacinto Ligot, na pumalit kay Gen. Carlos Garcia.

At tulad ng kaniyang pinalitan, hindi napigil ni Ligot na isawsaw ang mga daliri sa kaban ng bayan at tsumani ng ilang milyong piso.

Ang kaibahan lang ay mas malaki pa ang natsani ni Ligot kaysa kay Garcia. 

Lumalabas na may mahigit P700 milyon si Ligot sa bangko na hindi niya maipaliwanag kung saan nagmula.

Ang yaman di ba?!

Sana nag-PMA na rin ako para may tsansang maging multi-millionaire. Ngayon kasi ang tsansa ko na lang na yumaman at magkalimpak limpak na pera ay manalo sa lotto. Pero ang tsansa kong manalo ay tulad ng laki ng pera ni Ligot. One in a billion ika nga.



Sa isang banda, nagdadalawang isip din ako kung gusto kong matapatan ang yaman ni Ligot o ni Garcia, o maging ni Gen. Reyes, na kamakailan ay nagpakamatay.

Napansin ko kasing si Ligot at naging malilimutin. Si Garcia ay tila naging parrot. At si Reyes? Alam naman natin kung ano ang ginawa ng dating chief of staff.

Ang tawag nga ngayon kay Ligot ay Ligot Kalimot, at kay Garcia ay parrot dahil wala siyang masagot sa Senate hearing kungdi ang mga katagang, "I invoke my right against self-incrimination."

At siyempre, ayoko pang mamatay. O tulad ni Reyes na nagpakamatay.

Naisip ko tuloy, tataya pa ba ako sa lotto. Ayaw ko kasing maging Ligot Kalimot o Garcia the Parrot. At ang mas ayokong maging black rose tulad ni Reyes.

Wala lang.



Wednesday, February 16, 2011

condom

To use or not to use?

The answer of course is up to the couples, or individuals who will decide whether to use condoms or other artificial means as contraception. Natural contraception is also an option couples or women could utilize.

But at the end of the day, the issue is reproductive and health rights.

Filipinos, like other humans, have the right to protect themselves not only from unwanted pregnancies but from acquiring sexually transmitted diseases. Filipinos must be given the tools to enjoy their reproductive rights in a healthy environment.

Because, whether the Catholic Church agree or not, love making or sex is being arranged, accomplished, concluded, availed, served and enjoyed or otherwise every second of the day or night in this country and in most parts of the world inhabited by humans.

Like food, water, and shelter which the government must ensure are affordable to most of its citizens to protect their rights to a decent living, the government must ensure that Filipinos' reproductive and health rights are secured whether they are Catholics or not.






This brings us to the question why the Catholic Church is eagerly fighting the passage the Responsible Parenthood bill, which would provide reproductive and health education to millions of Filipinos.

The main reason is of course not political but theological. The church believes that the act of sex itself creates life and not the merging of the sperm to the egg cell.

But the Catholic church is using their political clout to stop the passage of the bill into law as the Church  try to push its theological agenda in a country where the Catholics maybe the majority but not the only faith that is being practiced.

I believe that the Church is wrong when it tries to shove its archaic theology into our society. Let the people decide and the government provides the necessary tools in ensuring every Filipinos' reproductive and health rights.

Wala lang.



Tuesday, February 15, 2011

Impeach Merci


May nasagap yatang sariwang hangin ang Mataas na Hukuman, o baka naman nasiyahan lamang ang karamihan sa kanila sa mga dates nila nitong Valentine's Day?

Napakarami kasing nasorpresa sa desisyon ng mga kataastaasaan at kagalang-galang na mga hukom na payagan ang Kongreso na litisin ang impeachment case na inilagak ni Risa Hontiveros at kanyang mga kasama sa Mababang Kapulungan.

Pito mula sa 12 hurado ang bumoto laban sa kagustuhan ni Gutierrez na ibasura ang impeachment case niya. Kinuwestiyon ni Gutierrez ang pagsasampa ng dalawang impeachment case sa kanya. Subalit, ayon sa Korte Suprema, walang nalabag sa desisyon ng Mababang Kapulungan na litisin ang impeachment case laban sa Ombudsman.

"The Supreme Court majority has decided there is no denial of due process since respondent [Gutierrez] can file an answer after the impeachment complaints have been declared sufficient in form and substance," paliwanag ni SC spokesman Jose Midas Marquez sa news briefing nitong Martes.

Siyempre, maraming natuwa sa naging desisyon ng Korte Suprema na nitong mga nakaraang araw ay binatikos dahil sa lantarang pagkampi nito sa mga kaalyado ni GMA.

Pero hindi lahat ng araw ay piyesta, ika nga.

Kahapon ay medyo nakabawi ang Korte Suprema sa mga kasalanan nito sa taumbayan. Bumoto upang ibasura ang kahilingan ni Merci ay sina Justices Antonio Carpio, Conchita Carpio-Morales, Ma. Lourdes Sereno, Roberto Abad, Jose Catral Mendoza, Eduardo Nachura, and Martin Villarama Jr.

Pero nakakapanginig pa rin ng laman ang mga tulad nina Chief Justice Renato Corona, Arturo Brion, Lucas Bersamin, Teresita Leonardo-De Castro, and Diosdado Peralta na kumampi kay GMA.

Dalawang justices naman ang nagsabi na puwedeng ibasura ang kasong isinampa ng Bayan laban kay Gutierrez upang maging mawala ang ikalawang kaso.

Ito naman kasing Bayan, gaya-gaya puto maya. Bakit kaya hindi na lang sila gumawa ng sarili nilang issue? Kung hindi sila nag-file ng ikalawang impeachment complaint, dapat ay hindi nagkabala si Merci para tumakbo sa Korte Suprema.


Pero ngayon, ang tanging magagawa ni Merci ay magsampa ng Motion for Reconsideration, malamang na ang susunod na labanan ay mangyari sa Mababang Kapulungan, kung saan ay tila "Godmother" itong si GMA.

Nandiyan pa rin ang kanyang mga kaalyado ni GMA sa Kongreso, na karamihan ay mula sa Mindanao. Nandiyan din ang kanyang bayaw na si Iggy Arroyo na kinatawan ng Negros Occidental 5th District, ang kanyang mga anak na sina Dato (Camarines Sur 1st District) at Mikey (kinatawan ng Ang Galing Pinoy party).

Malaking banatan ang inaasahan sa Mababang Kapulungan kapag nakarating sa plenary ang balitaktakan.

Pero panahon na upang ma-impeach si Merci. Panahon na para kalusin si GMA.

Monday, February 14, 2011

Bayani



Ang Hell is for Heroes ay isang war film na ipinlabas noong 1963. Director nito si Don Siegel at pinagbidahan ni Steve McQueen. Ang istorya nito ay ukol sa mga Kanong sundalo noong 1944 na kinailangang humarap sa isang German company sa loob ng 48 oras sa tinatawag na Siegfried Line bago dumating ang saklolo mula sa kanilang mga kaalyado.


Naalala ko ang pelikulang ito dahil sa ibinigay na hero's burial kay Angie Reyes, na nagpakamatay pagkaraang makaladkad sa "pasalubong at pabagon" scandal sa military. Bagamat nagpakamatay, binigyan pa rin ng military honor ang dating cheif of staff. Hanep!!!


At ang nakakapagtaka, pinagmisahan pa rin siya bagamat kinitil ang sariling buhay.  Kahit bayani ang turing kay Reyes ng militar, base sa turo ng Simbahang Katoliko Romano  diretso pa rin siya sa impiyerno dahil nagpaktamatay siya. Amen!!!


Kahit bayani siya, magnanakaw pa rin siya. 


Nang tanungin si Reyes kung tumanggap siya ng milyon-milyong pabaon noong magretiro, hindi niya ito itinanggi kungdi ang sagot niya ay "wala akong matandaan."


Kayo ang humusga. 


Malilimutan mo ba ang pagkakataong binigyan ka ng P50 million. Sabi nga ng isang kaibigan, painumin mo lang ako ng isang bucket, siguradong hindi ko iyon malilimutan. Banat naman ng isa, kahit nga libreng pamasahelang eh, hindi ko nalilimutan, P50 milyon pa."


Malilimuting bayani pala si Reyes, pakli naman ng isa pang kaibigan.

Ayon naman kay Mortimar J. Adler, isang kilalang Amerikanong  manunulat at philisopher, "The great scoundrel can be as famous as the great hero; there can be famous villains as well as famous saints. Existing in the reputation a person has regardless of his or her accomplishments, fame does not tarnish as honor does when it is unmerited."

Ano raw?

Ang punto ni Adler ay maaaring kasing sikat ng isang bayani ang isang magnanakaw. May mga sikat na kontra bida at may mga sikat na santo. Hindi rin daw nababawasan ang kasikatan kumpara sa dangal kung hindi ito karapatdapat na makamtan.




May dangal ba ang pagkakamatay ni Reyes?


May dangal ba sa pagkitil sa buhay upang maiwasan ang kahihiyang idinulot niya sa sarili at sa kanyang pamilya?

May dangal ba sa pagpapakamatay? Period.

Dahil dito, naniniwala akong hindi siya dapat binigyan ng 21 gun salute. Dapat ay ginamit ang bala para sa kanyang firing squad bilang parusa sa pangungurakot niya sa kaban ng bayan.

Friday, February 11, 2011

Puso

Click "puso ng saging" pix to view Mark Lapid's video



Malaking usapin ang ukol sa puso nitong mga nakaraang araw lalupa't binaril ni dating chief of staff Gen. Angelo Reyes ang sarili sa puso.

Pero ako ang naalala ko kapag puso ang usapan ay hindi Valentine's Day, kungdi si Mark Lapid. Sino ba naman ang makakalimot sa mga  katagang klasik na: "Oo saging lang ako, pero sa lahat ng halaman saging lang ang may puso!"

Lalim ng mga hugot, repapips. Oo nga naman, sa lahat ng halaman,  saging lang ang  may puso, kesyo ito ay lakatan, latundan, o kahit pa ang brand nito ay Dole, Soriano's, o galing man ito sa Davao, Mindoro o Bulacan. O kaya'y na aerial spray man ito o hindi.

At nagkataon ngang ang pagpapatiwakal ni Reyes ay malapit sa Valentine's Day, na itinakda ni Pope Gelsius 1 noong 500 AD bilang paggunita sa isa o ilang katolikong martir na ang pangalan ay Valentine. Dahil dito, mas naging palaisipan kung bakit sa puso binaril ni Reyes ang sarili.

Kadalasan kasi ay sa ulo pinapatama ang bala kung baril ang gamit sa pagpapatiwakal. Pero mahirap ang ginawa ni Reyes, dahil kaliwete siya at nasa bandang kaliwa karaniwang nakapuwesto ang puso ng tao.

May nagsasabi namang kumati lamang ang parte ng katawan kung saan pumasok ang bala papunta sa puso ni Reyes kaya't kinamot niya ito at aksidenteng naiputok ang baril. 

Ayon naman sa ilan ay "emo" itong si Reyes kaya sa puso siya nagbaril. Banat naman ng ilang kaibigan na sobrang sama na  loob ni Reyes at sobrang sakit ng puso niya at hindi na ito nakaya ng pain relievers kaya't pagbaril ang naisip niyang solusyon. Mayroon namang nagsabing ayaw ni Reyes na pumangit ang kanyang mukha at ilagay siya sa saradong ataul kapag pinaglamayan.



Ano pa man ang dahilan, patay na si Angelo at walang ka-date ang misis niya sa Lunes, kung kailan ipagdiriwang ang Valentine's Day.

Kawawa naman di ba, nasangkot na sa korapsyon dahil sa napakaraming beses niyang paglipad sa ibang bansa gamit ang salapi ng bayan, nawalan pa ng ka-date.

Ikaw naman kasi Angie eh, hindi mo ba alam na sa totong buhay, nakamamatay ang baril di katulad sa mga pelikula ni Mark Lapid na ilang beses na siyang binabaril ay hindi pa tinatamaan, kahit na ang dami ng kalaban ay tulad ng sa buong sandatahang hukbo ng Pilipinas.

Sa susunod na pagkain ko ng banana-cue, malamang si Angie na ang maaalala ko at hindi si Mark.

Wednesday, February 9, 2011

Korapsyon by pinoyjedi

ang larawan ay mula sa inquirer.net



i am reblogging this piece from pinoyjedi (http://edchavez.wordpress.com/) na napublish noong enero 1, 2011. mukhang nagkatotoo ang isa sa mga kahilingan niya!!!

Karaniwan, ang impresyon ng mga tao sa Pilipinas ay bansa na karaniwan na ang korapsyon sa pamahalaan. Totoo naman ito. Lagi tayong topnotcher sa pinaka corrupt na bansa ayon sa Transparency International.

Noong kampanyang elektoral, ito ang pangunahing campaign line ni Noynoy Aquino. Ngayong nakaupo na siya, malalaman natin kung totoo siya sa pangakong sugpuin ang korapsyon. Isa ito sa susukatin sa kanya ng mga tao.

Anim na buwan mula nang manungkulan, sumambulat ang pinaka-engrandeng kaso ng korapsyon– KORAPSYON sa MILITAR.

Isyu na naging dahilan sa pagkakakulong ng mga junior officers– ipinakulong ni Gloria at mga tuta niya. Kumanta si Rabusa. Sabit sina Reyes at iba pa. Pati na si Gloria.

Alam natin na hindi naman korapsyon lang ang problema sa ating bansa. At lalong hindi korapsyon ang ugat ng problema ng bansa— kundi mga pansistemang problema. Pero mabuti na lamang at seryoso si Noynoy na harapin ang usapin ng korapsyon, partikular itong mga bagong mga bulate ng kaso na lumabas sa lata ng imbestigasyon.

Medyo mabigat na laban ito. Militar pa ang kinalaban niyo, ika nga. Sabi ng Pangulo, imbestigahan ito, sa layuning may maparusahan. Tama. Dapat may managot. Pera ng taumbayan ang ninanakaw niyo. Ang daming gutom na Pilipino, tapos kayo, buhay milyonaryo o bilyonaryo dahil sa perang ninakaw niyo? Wala nang hiya ang mga to. Kaya ang hirap sabihang “Mga walanghiya kayo!” Wala ring epekto. Ano kaya ang dapat gawin sa mga hayup na to?

Sa ibang bansa, pag nasangkot sa anomalya ang mga lider, sila mismo ang nagre resign o minsan pa ay nagpapatiwakal. Ganun na lang sana no?

Pero dahil nga hindi rin nila gagawin yun… nananawagan na lang ako sa mga mangkukulam na may diwang makabansa. alam niyo na ang gagawin niyo siguro..:-)

Tayo namang taumbayan, ano ang gagawin natin? Tatanghod lang ba? Magkibit balikat? Dating gawi? Sana naman hindi.

Tingnan niyo mga Arabo. Pero sa atin sila natuto!

Korapsyon sa gobyerno. Sa military. Sa LTO. sa iba’t-ibang ahensya. sa kapitolyo. sa munisipyo. city hall. hanggang sa barangay. paano ito masusugpo?

Angie's song - Fade To Black by Mettalica

Click the pix to view the video

Fade To Black
By Metallica
Songwriters: Burton, Clifford Lee; Hammett, Kirk L; Hetfield, James Alan; Ulrich, Lars;

Life it seems will fade away
Drifting further every day
Getting lost within myself
Nothing matters, no one else

I have lost the will to live
Simply nothing more to give
There is nothing more for me
Need the end to set me free

Things not what they used to be
Missing one inside of me
Deathly lost, this can't be real
Cannot stand this hell I feel

Emptiness is filling me
To the point of agony
Growing darkness taking dawn
I was me but now he's gone

No one but me can save myself
But it's too late
Now I can't think
Think why I should even try

Yesterday seems as though
It never existed
Death greets me warm
Now I will just say goodbye

Tuesday, February 8, 2011

Angelo Reyes






Sumambulat habang nagkakape ang karamihang Pilipino ang pagpapatiwakal ni dating chief of staff Angelo Reyes.  Binaril ni Reyes ang sarili sa harap ng puntod ng kanyang ina.

Duwag.

Ito ang unang pumasok sa aking isipan.

Bakit hindi mo tatawaging duwag ay inabswelto niya ang sarili at iniwan ang pamilyang ngayon ay sangkot na rin sa anomalya ukol sa korapsyon sa sandatahang lakas ng Pilipinas.

Itinuturo si Reyes na tumanggap ng milyon-milyong salapi bilang "pabaon" matapos magretiro bilang chief of staff. At sa nakaraang Senate hearing ng Blue Ribbon committee, lumalabas na madalas ang pagpunta ng kanyang asawa sa Estados Unidos at ito pinopondohan ng pera ng AFP (Armed Forces of the Philippines).

Lumalabas din sa imbestigasyon na alam ng misis ni Reyes ang mga kabalastugang ginagawa ng kanyang mister.

At dahil sa pagpapatiwakal ni Reyes, dawit na rin ang buong pamilya niya kasama ang mga anak at apo.

Hindi ako naaawa kay Reyes dahil ang kapalit ng kanyang naging magandang pamumuhay ay buhay ng mga pangkaraniwang sundalo at kanilang pamilya.

Kasama sa kino-convert na pera ng mga heneral ay suweldo ng mga sundalo at mga opisyal na mababa ang ranggo. Lumalabas sa imbestigasyon ng Senado na umaabot sa P8 bilyon kada taon ang napupunta sa korapsyon sa AFP.

Hindi nakakapagtaka na nakabili si Reyes at ilang mga heneral ng tahan sa Estados Unidos. Malamang ay hindi lamang isa o dalawa ang kanilang ari-arian sa US tulad ni Gen. Carlos Garcia, na natagpuang may limpak limpak na salapi at may ilang ari-arian sa US.

Sabi ng isang kaibigan, hindi pa sapat ang buhay ni Reyes kapalit ng kaniyang kabalastugang ginawa habang chief of staff.

Ngayon mas kawawa ang pamilya niya. Ulila na sila sa ama, nahaharap pa sa imbestigasyon ang kanilang ina.

Pero mas naging kawawa ang taumbayan. Ipinagpalit ni Reyes ang kanyang dangal sa pera at dahil dito, maging ang AFP ngayon ay nalalagay sa alanganin.

Nasisira ang AFP bilang institusyon dahil ginagamit lamang ito ng mga heneral na nagpapagamit sa mga katulad ni GMA, na sana ay sumunod sa hakbang na ginawa ni Reyes sa mga susunod na araw kung hindi man ngayon ay bukas.

Sana'y paghirapan mo sa kabilang buhay ang mga kabuktutang ginawa mo Gen. Reyes.

Monday, February 7, 2011

Whistle of Death

Ito ang replica of 'Whistle of Death,,' na natagpuan sa Mexico City

Pito ng kamatayan. Ito ang natagpuan ng mga archeologist sa Mexico. Ayon sa foxnews.com (http://www.foxnews.com/story/0,2933,373702,00.html) nakitang nakasuksok sa mga naging butong kamay ng isang taong nakalibing ang mga pito ng kamatayan. Natagpuan ang kalansay na nakalibing sa loob ng isang  Aztec temple. Sinasabing pinapatunog ang mga pito bago isakripisyo sa diyos ng mga Aztec ang mga taong napili para sa human sacrifice.


Naalala ko ito dahil sa mga isinambulat ng mga whistleblowers na sina George Rabusa at Heidi Mendoza ukol sa ibinulsang limpak limpak na salapi ng mga heneral mula sa yaman ng bayan.

Naisip kong ito na kaya ang whistle of death ng mga heneral at ni GMA na kanilang pinaglingkurang lubusan kapalit ng mga salapi.

Maging si kasalukuyuang LWUA administrator Prospero Pichay ay isinangkot na rin ni Rabusa. Ayon sa army colonel, tumanggap si Pichay, na dating kinatawan ng Surigao, ng hindi bababa sa P1.5 million. Sinabi ni Rabusa na tumanggap si Pichay ng P500,000 kada punta sa office of the chief of staff at ayon sa kanyang pagkakatanda tatlong beses nagpunta si Pichay sa nabanggit na opisina.

Si Pichay ay dating chair ng Committee on National Defense ng mababang kapulungan.



Pero kung ako ang masusunod, hindi lamang kamatayan ang dapat na tanggapin nina Pichay at mga heneral. Dapat silang ipakurot sa taong bayan o kaya'y ilagay sa loob ng isang drum at pipilihan para duraan at hahayaang malunod sa dura ng taumbayan.

Hindi na siguro aabot ng milyong milyong Pilipino para mapuno ang drum ng dura.

Pero sa tingin ko ay hindi ito sapat. Dapat ay bago sila lunurin sa dura ay budburan ng asin ang mga sugat nila at pigaan ng kalamansi.

Wala lang, naisip ko lang.

Wala kasing sapat na parusa sa mga magnanakaw sa kaban ng bayan. Ang pinakasimple siguro ay patayin sila sa pamamagitan ng firing squad upang maging halimbawang hindi dapat tularan.




Friday, February 4, 2011

Game of the Generals


Isa sa mga kinahiligang board games ng aking henerasyon at ng mga sumunod pa ay ang Game of the Generals. Ang hindi alam ng karamihan ay ang Game of the Generals ay naimbento ng isang Pilipinong si Sofronio H. Pasola Jr.

Katunayan, may online version na ang Game of the Generals, na kilala rin sa tawag na "salpakan." Ang URL ng online version ay http://salpakanna.com.

Nilalaro ng dalawang panig habang ang ikatlo at pinakamahalagang kasama sa laro ay ang arbiter. Pinakamalakas na piyesa sa labang ito ay ang spy at upang magwagi ay dapat makopo ang flag.

Sa larong ito, ang mga heneral at mga piyesa ay tanging mga pawns o tau-tauhan lamang ng mga players at tanging ang arbiter lamang ang makapagsasabi kung sino ang nanalo sa palitan o salpakan ng mga piyesa.

Dahil dito, mahalaga na hindi kakutsaba ng mga manlalaro ang arbiter. Mahalaga rin dito ang tiwala sa arbiter.

Kamakailan ay sumabog ang napakalaking Game of the General na kinatatampukan ng mga dating chief of staff ng Santahang Lakas ng Pilipinas. Ito ay sina Garcia, Villanueva, Cimatu at Reyes. Ayon sa balita ay tumanggap ng milyon-milyong piso ang ito bilang "pabaon" sa kanilang pagreretiro.



Malaking tanong kung bakit sila nasilaw sa pera at itinaya ang kanilang pamilya, pangalan at maging buhay.

Sa ganitong laro, mahalaga ring malaman kung sino ang nagpagalawa sa mga heneral na ito. Isa sa mga itinuturo ay si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ginamit niya ang malalaking halaga bilang suhol para makuha ang loyalty ng mga heneral.

Tandaan nating ang mga nabanggit na heneral ay nagsilbi bilang chief of staff sa ilalim na panunungkulan ni GMA. At tandaan din natin na binagyo ng kontrobersiya ang pamahalaang GMA na kinatampukan ng mga usaping NBN-ZTE, fertilizer scam, Hello Garci at iba pa.

Dahil dito, kailangan ni GMA na mapanatiling nasa panig niya ang mga heneral at ginamit ang pera ng taong bayan bilang pangsuhol kapalit ng loyalty ng mga heneral.



Pero hindi patas ang Game of the General na ito.

Dahil maging ang dapat na pumapel bilang arbiter ay nasa panig ni GMA.

Ilang asunto na ang dinala sa Office of the Ombudsman laban sa mga kaalyado ni GMA, partikular si Gen. Carlos Garcia, na napatunayang nagbulsa ng hindi bababa sa P300 milyong piso pero alam nating tinanggap ni Gutierrez ang plea bargain agreement na inihain ni Garcia.


Nang ihatid naman sa Supreme Court, ang itinuturing na pinakamataas na arbiter sa bansa, ang mga asunto upang matugis si GMA, hindi rin nakaporma ang mga humahabol sa kanya at muli ang nagmimirong mamamayan ay nabilog ng ngayon ay tumatayong kinatawan ng Pampanga.

Kinatigan ng Supreme Court si GMA sa usapin ng Truth Commission, midnight appointees at impeachment laban kay Gutierrez.

At dahil ang arbiter ay panig kay GMA, nagoyo ang nagmimirong taumbayan.

Kung may labanan, siyempre gusto ng lahat ng patas ang laban at hindi pumapanig ang mga referees o arbiter.

Sa ganitong pagkakataon, naniniwala akong mapupuno rin ang nagmimirong taumbayan at kanilang huhusgahan ang mga arbiter. Hindi rin malayo na maging ang nagpapakilos sa mga heneral ay kanilang usigin, hindi sa loob ng korteng hawak ni GMA kungdi sa lansangan.

Sa dulo kasi ng labanang ito naniniwala akong makukuha ng taumbayan ang banderang magpapatunay na sila ang tunay na nagwagi laban sa korapsyon at pagmamalabis ni GMA.









Thursday, February 3, 2011

Self Incrimination

Ang katagang ito ang pinasikat ni dati at ngayon ay dishonorably discharged Gen. Carlos Garcia na nagsilbi bilang comptroller ng Armed Forces of the Philippines.

Dishonorably discharge Gen. Carlos Garcia


Pumasok sa pambansang kaisipan si Garcia matapos mahuli ang anak niya sa Estados Unidos na may dala-dala ang $100,000 noong Disyembre 2003.

Dahil sa nabuking ang kanyang anak na may dala-dalang salapi na higit sa kikitain ng isang heneral, inimbestigahan si Garcia at nabuking na umabot sa P303 million.

Kasama sa mga ari-arian ni Garcia na nabili niya sa pandarambong sa kaban ng bayan ay bahay sa Estados Unidos at mamahaling sasakyan.

Sa kabila ng matibay na ebidensiya sa mga pagkakasala ni Garcia na nagpapakita ng kanyang kasakiman minabuti ni Ombudsman Merci Gutierrez na pumasok sa isang plea bargain agreement sa dating heneral kaysa usigin sa pandarambong ng kaban ng bayan.

Nitong mga huling araw, lumalabas sa imbestigasyon ng Senado at sa pamamagitan ni whistle blower George Rabusa, isang colonel na nakatrabaho ni Garcia sa AFP, kung paano ipnamumodmod sa mga paretirong Chief of Staff and salapi ng bayan.

Kaama sa mga sinabi ni Rabusa na tumanggap ng pera ay sina Angelo Reyes, Dimodeo Villanueva at Roy Cimatu.

May nagsasabing tumanggap ng malaking halaga ang tatlong dating naglingkod bilang chief of staff ni Gloria Macapagal Arroyo kapalit nang kanilang loyalty upang manatili ang dating pangulo at ngayon ay kinatawan ng Pampanga sa Mababang Kapulungan sa puwesto. Matatandaan na dinaluyong ng pag-aaklas ang pamamahala ni GMA dahil sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng kanyang rehimen.

Subalit ang malaking tanong ay kailan nagsimula ang mga pabaon para sa nagreretirong chief of staff?

Ito ba ay noong panahon lamang ni GMA o noon pang panahon bago siya nanungkulan?

At tulad ng mga frat boys, walang bumabalimbing sa mga heneral. Kahit madamay ang kanilang pamilya, masira ang kanilang pangalan at mabasag ang tiwala ng taumbayan sa sandatahang lakas ng Pilipinas.

Mabuti na lamang at may mga whistle blowers. Ang malaking tanong ay hanggang kailan mananatili ang ganitong kalagayan sa bansa?

Wala lang, naitanong ko lang.




Wednesday, February 2, 2011

Banggaan

Natural na nangyayari ang banggaan hindi lamang dito sa ating daigdig kungdi maging sa buong kalawakan.

Ayon nga sa mga naturalist, nabuo ang ating galaxy dahil sa big bang. At mula sa banggaang ito ay nabuo ang Araw at ang mga planetang umiikot dito kasama ang ating daigdig.

Sa natural world, walang mabubuo kung walang banggaan. Kaya nabuo ang teyoryang survival of the fittest, ibig sabihin ay palaging may tunggalian o banggaan. Ito ang theory na nabuo ni Charles Darwin, na pinagbasihan ng mga scientist para sa tinatawag na big bang theory.

Theory man ito o hindi, tama ring sabihing may Social Darwinism. Ito ang tunggalian na nakikita sa sangkatauhan, na maaaring tunggalian ng ideolohiya, relihiyon, lahi, o ang pinakasimple ay tunggalian sa sports, professional man o hindi.

Nabanggit ko ito, dahil sa mga pangyayari sa Egypt kung saan may tungalian ang mamamayan at ang kanilang pangulong si Hosni Mubarak.

Dito sa ating bansa ay may nangyari at may mga nangyayaring ganitong tunggalian.

Pinalayas ng mamamayang Pilipino si dating pangulong Ferdinand Marcos sa isang banggaang maituturing na mahinahon o mapayapa.

May tunggalian ding nangyari noong panahon ni Cory Aquino at ang militar. Ilan coup d'etat ang isinulong ng militar laban sa pamahalaan ni Tita Cory. Ngunit sa lahat ng ito ay natalo ang mga coup plotters.

Matindi rin ang tagisan ng pamahalaan at ng mga Moro Separatist. Ganito rin ang tunggalian sa pagitan ng New People's Army at ng militar.

May tunggalian din ang mga Katoliko at ang mga nagsusulong Reproductive Health Bill. May banggaan din sa pagitan ng mga naglalayong dalhin si GMA sa harap ng hustisya at ang mga humahabol sa kanya.

May banggaan ang Akbayan at si Ombudsman Merceditas Gutierrez na nais ng partidong ma-impeach.

Kung magagawi namana ng usapin ukol sa ideyolohiya, masasabing may banggaan ang mga neo-liberals at ang mga sosyalista.


Samakatuwid, kahit saang bahagdan ng buhay natin ay may banggaan.



Dahil dito, hindi tayo dapat mangamba na may mga banggaan. Natural lamang ito.
Ngunit may mga bangaan na puwedeng maiwasan at may bangaan na natural na nangyayari.

Naalala ko tuloy ang sabi ng isang kasama, "Kailangan natin ng karahasan para magkaroon ng kapayapaan."

Dito sa ating bansa, may isa pang tunggalian na nangyayari.

Tunggalian sa pagitan ng mga naghahangad ng pagbabago at ang mga nais na manatili ang kasalukuyang sistema.

Ang tanong ay, sa banggaang ito saan ka papanig? 

Wala lang, naitanong ko lang.



Tuesday, February 1, 2011

People Power

 

Hindi na napigil ng mga Egyptian ang kinumkom na galit sa loob ng tatlong dekadang pamamahala ni dating Air Force general Hosni Mubarak. Habang isinusulat ang blog na ito ay nanawagan ang oposisyon sa Egypt para sa million man march. Sana'y magtagumpay ang mga Egyptian sa hangarin nilang mas maging demokratiko at maunlad ang kanilang bansa.

Naalala ko tuloy ang ating sariling People Power na nagptalsik kay Ferdinand Marcos, na mahigit 20 taon namahala sa ating bansa gamit ang pananakot, pagpaslang at pamumodmod ng pera upang manatili sa kapangyarihan.

Matapos ang 20 taon ay nag-aklas ang mga Pilipino at naitaboy ang pinakamamalupit na pamahalaang naghari sa ating bansa. Huwag din nating kalimutang ang tawag sa pamamahala ni Marcos ay "conjugal dictatorship" dahil katuwang niya si dating first lady Imelda o ang nabansagang Madamme Butterfly dahil sa kanialng magkatuwang na panunupil sa kalayaan ng mga Pinoy.

May pagkakahawig ang Mubarak at Marcos regimes kung bakit sila nanatili sa kapangyarihan. Pareho silang sinuportahan ng Estados Unidos, na hindi nagdadalawang isip na sumuporta sa mga mapaniil na rehimen basta't umaayon sa kanilang kagustuhan ang ipapatupad ng mga ganid sa kapangyarihan.

Pero lahat ay may hangganan. 

Ika nga ng aking paboritong quotation, "none is for sure, none is forever."

Dito sa mundo ang tanging nagpapatuloy ay pagbabago.

Tila hindi ito natutunan ng napakaraming lider na umusbong sa ating daigdig lalo ni Mubarak na mula pa man din sa Egypt. Dapat ay natuto siya sa mahabang kasaysayan ng kanyang bansa kasama ang libong taong paghahari ng mga Pharoah na humantong din sa pagwawakas.

Lahat ay may wakas. 
Kaya't tayong lahat ay dapat maghanda sa pag-usbong ng pagbabago.

Sa ibang salita, dapat ay may exit plan tayo.

Bumalik tayong muli rito sa Pilipinas at ating tutukan ang pamahalaang Gloria Macapgal-Arroyo.

Nakita nating nagwakas ang kanyang siyam na taong pamamahala. Ngunit hindi nakuntento at ginamit ang kanyang posisyon bilang pangulo upang mapaghandaan ang paglisan niya sa Malakanyang.

Magaling di ba. May exit plan. At dahil sa exit plan na ito, hindi siya matugis ng hustisya dahil naiupo niya ang masugid na supporter na si Merceditas Gutierrez sa Ombudsman. Maging ang mga justices ng Korte Suprema ay tila hawak niya sa leeg.

Pero naniniwala akong lahat ay may hangganan. 

Isang araw sa hindi kalayuang hinaharap ay babagsak din si GMA sa lambat ng katarungan at magwawakas ang kabanta ng kanyang kasakiman sa kapangyarihan sa likod ng malamig na rehas. 

Kung hindi man sa rehas ay baka matulad pa siya sa mga Marcoses na ilang taong hindi nakauwi ng bansa.

Harinawa ay matuto tayo sa aral ng kasaysayan.