"Good artists copy, great artists steal." Ito ang pamosong quotation mula sa yumaong si Steve Jobs, na kilala bilang founder ng Apple ang kumpanyang nagbigay sa mundo ng Machintosh computers, iPod, iPad, iPhone at iOS.
Nabanggit ito ni Steve Jobs dahil aminado siya na walang isang tao ang may monopolya sa ideya kung paano bumuo ng isang bagay. Kailangan niya ng ideya mula sa ibang tao upang makaimbento ng isang bagay.
Mula sa ganitong pananaw, masasabing nabubuo ang ideya sa pamamagitan ng iyong nabasa, napanood, napakinggan o kaya'y naramdaman.
At dahil itinuturing ni Steve Jobs ang sarili hindi lamang bilang isang imbentor kungdi isang artists, masasabi ring marami siyang ninakaw na ideya mula sa iba't ibang bagay at kapwa niya artists. Kasama sa ipinagmamalaki ni Steve Jobs ay ang pagbibigay ng panibagong buhay sa mga konseptong pangkaraniwang na nating nakikita at nagagamit subalit dahil sa disenyo kung paano niya ito ginawa ay masasabing bagong ideya.
Paano ngayon kung ang mga ideya sa sining ay hindi mo kayang mapakinggan, mabasa o kaya mapag-aralan dahil napakamamahal ng mga libro, DVDs o kaya ay CDs ng mga ito?
Dito pumapasok ang karapatang kumopya hindi mamirata.
Pero dito sa Pilipinas, hindi lamang pagkopya ang problema kungdi ang paraan ng pagkopya dahil wala namang mga gamit ang karamihang Pilipino para mag-download o kaya ay mag-print ng mga libro o DVD.
Kaya naman napipilitan ang marami na bumili ng mga kopya. Hindi dahil gusto nilang mamirata, kungdi dahil gusto nilang matuto o kaya ay makakuha ng impormasyon.
Pero sabi nga ni Steve Jobs, great artists steal.
No comments:
Post a Comment