Sampung bilyon o P10,000,000,000.
Sa zeroes pa lang panalo na ang mga Cojuangco sa laki ng hinihingi nilang kabayaran sa Hacienda Luisita, na binili ng mga ninuno nina Peping Cojuangco mula sa utang sa kaban ng bayan. Nangako ang mga Cojuangco na pagkatapos bilihin ay ipamamahagi ang mga lupa kaya sila pinautang ng pamahalaan.
Base sa ganitong halaga, lumalabas na P2,000,000 kada ektarya ang lupa ng mga Cojuangco, ayon sa Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (Katarungan).
Susmaryahosep!!! Kahit pagbalibaliktarin mo ang Bangko Sentral ay hindi kakayanin ang ganitong halaga.
Ano ba ang akala ng mga Cojuangco, mala-Bonifacio Global City ang dating ng Hacienda Luisita.
Aba, Hindi na ito simpleng negosyo, kaganidan na ito.
Base sa ganitong halaga, lumalabas na P2,000,000 kada ektarya ang lupa ng mga Cojuangco, ayon sa Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (Katarungan).
Susmaryahosep!!! Kahit pagbalibaliktarin mo ang Bangko Sentral ay hindi kakayanin ang ganitong halaga.
Ano ba ang akala ng mga Cojuangco, mala-Bonifacio Global City ang dating ng Hacienda Luisita.
Aba, Hindi na ito simpleng negosyo, kaganidan na ito.
Ayon pa sa Katarungan, malaki pa ang halagang hinihinging kapalit ng mga Cojuangco sa total budget ng Department of Agrarian (DAR) para mabili ang 300,000 ektaryang ipapamahagi para sa 2012.
Ang nakakatakot pa rito, ayon sa Katarungan, tuluyang mababalewala ang Comprehensive Agrarian Reform Program with Reform (Caper) kung mabibiyayaan ng ganito kalaking halaga ang mga Cojuangco.
Mula noong 2009, P16 bilyon lamang ang nakuhang budget ng DAR para sa repormang agraryo na halos kalahati lamang sa itinakda ng Republic Act 9700 na P30 bilyon kada taon.
"At P10 Billion for less than 5,000 hectares, the average price per hectare of Hacienda Luisita will be more than P2 million per hectare. Such demand will make the Philippine agrarian reform program the most expensive in the history of agrarian reform implementation around the world," wika ng Katarunngan sa kanilang press statement kamakailan.
"This unprecedented land price will also reinforce long-time critics of state-led agrarian reform such as the World Bank, which take the view that agrarian reform should be reviewed if not altogether stopped because its implementation is very expensive. In this regard, wittingly or unwittingly, the Cojuangcos are reinforcing the campaign to kill the current agrarian reform program."
Pero ang masakit, malaki ang naitutulong ng agrarian reform sa pag-unlad ng isang bansa. Naranasan ito ng Chinese Taipei na mas kilala natin bilang Taiwan, ng Japan, South Korea at maging ng Estados Unidos, na pinuwersa ang mga Indians paalis sa kanilang lupain upang maipamahagi ang mga lupa.
Ano kaya at ganito na lamang ang gawain?
No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com