Thursday, February 9, 2012

Sapat ba ang pag-ibig?

Nagdadalawang isip ako na magsulat ng blog ukol sa Araw ng Puso o Valentine's day.

Malaking drama sa kaibuturan ng puso ko kung isusulat ko ito o hindi. Struggle talaga, parang rebolusyon.

Nagtagal tuloy as draft ang piyesang ito.

Aaminin kong hindi ako ang taong nagse-celebrate ng Valentine's Day. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ako nagmamahal.

Pero walang araw na pinipili ang pagmamahal ko, cheezzy ba?

At isa pa sa tingin ko ay hindi sapat na puro pag-ibig lang.

Kailangan may bumabalanse sa pag-ibig at base sa karanasan ito ay ang katarungan.



Dagdag espleka lang.

May kakilala ka bang naging alipin ng pag-ibig? May kakilala ka bang ang sinasabi ay ibibigay niya pati buhay kapalit ng pag-ibig?

Dun sa unang tanong, may nakikita tayong kapwa tao na nahuhumaling sa pag-ibig. May nagpapakamatay pa nga eh. Ito iyong mga naaalipin ng pag-ibig. Kung minsan nga, binubugbog na nagmamahal pa. Ano ang tawag kapag nagkaganito?

Totoo na ang pag-ibig ay ang pagbibigay ng higit sa kinakailangan o inaasahan. Kaya nga minsan kaysa ikain natin ang ating allowance, tinitipid natin para may pang-date tayo di ba?

Ang susunod na tanong ay makatarungan ba ito? Kung dahil sa pag-ibig ay nalimutan mo ang sarili mo, ang mga responsibilidad mo sa ibang tao o dahil sa pag-ibig ay nawala ang iyong pagkatao, hindi na ito pag-ibig. Pagkaalipin na ito at hindi na ito makatarungan.

Kaya't ngayong Valentine's, pag-isipan natin, may katarungan ba ang pag-ibig natin?



No comments: