Thursday, March 15, 2012

Ang Sigaw

Isa sa mga sumikat na prints ni Norwegian artist Edvard Munch ay ang The Scream, na isang serye ng mga expressionist paintings. Ilang version ng The Scream ang ginawa ni Munch. May painted at pastel versions ang The Scream, ayon sa Wikipedia.

Dahil sa kasikatan nito, tinatayang aabot ng $80 million ang isang version nito kapag ito ay i-aunction.

Hindi po kayo nagkakamali sa presyo, $80 million o P3,440,000.000 bilyon sa palitang P43 kada isang dolyar.

Dahil sa kasikatan nito naging meme ito o isang popular art na ginagaya. Kamakailan ay ginaya ang The Scream base sa pagtatakip ng tenga ni Atty. Vitaliano Aguirre noong siya ay sinesermonan ni Sen. Miriam Santiago sa idinaros na impeachment trial ni CJ Renato Corona.




Pero hindi lang yan ang mga ginaya sa The Scream, narito ang ilang imahe ng mga gumaya sa The Scream.

Home Simpson

Google Home Page

Lisa Simpson


The Joker

Ilan lamang ito sa mga nakakatuwang larawan ng The Scream, kayo mayroon ba kayong paboriong image na nakabase sa The Scream.?




No comments: