Sunday, March 25, 2012

Bakasyon

Nakakapagtaka, Mahal na Araw na eh umuulan pa.

Parang masisira ang mga plano natin sa 2012 Summer Vacation.

Pero sa tingin ko OK lang dahil ayoko naman ng sobrang init. 'Yong tipong nakaupo ka lang ay pinagpapawisan ka.

Pero ano ba ang puwede nating gawain ngayong bakasyon?
Bumasa ng libro

Isa sa puwede nating gawain ay mag-browse sa mga bookstore ng puwedeng basahin ngayong bakasyon. Bahala na kayong pumili kung ano ang hilig ninyo. Kung walang perang pambili, pwede namang mag-download ng mga ebooksa piratebay.org.

Alamin lang ang title at author ng mga libro at i-seach sa nasabing website.

Mag-aral ng computer programming

Opo, puwede kang magpaka-nerd ngayong bakasyon at mag-aral ng computer language. Ang suggestion ko ay ang Python. Puwde ninyong bisitahin ang Open Course Ware site ng Massachusetts Institute of Technology tungkol sa introduction sa computer sciencd and  programming.

Ang maganda sa kursong ito ay libre. Tama po ang nabasa ninyo LIBRE. May mga video tungkol sa mga konsepto ng programming at may mga lessons upang masubaybayan ito.

Kung ang gusto mo naman ay mobile technology, puwedeng itong pag-aralan sa MIT Mobile labs

Mag-aral ng bagong kasanayan

Ang suggestion ko kung bagong kasanayan ay mag-aral mag-assemble ng computers. Hindi naman ito kinakailangang magastos. Puwedeng second hand ang mga piyesa. Ang mahalaga ay matutunan ang paggawa at magkumpuni.

Puwedeng bumisita sa mga computer sites na nagtuturo kung paano mag-assemble ng computers upang pag-aralan ang step-by-step process.

Puwede ring mag-enroll kung gusto ninyo sa mga summer classess upang matutunan ito.

Isa pang puwedeng gawain ay mag-aral kung paano magkumpuni ng mga cellphones.

Magpapawis sa tamang paraan

Dahil summer naman at talagang papawisan, bakit hindi subukang magpapawis na ng tumpak sa pamamagitan ng sports activities.

Isa sa pinakamadaling sport na puwedeng gawain ay running. Dito hindi mo kailangan ng gastos. Tubig lang ang katapat nito. Puwede ka ngang tumakbo ng nakapaa eh lalo pa ngayong nauuso na na barefoot running.

Pero para hindi sayang ang pagpapawis, humanap ka ng sasalihang running event bago matapos ang bakasyon. Gamitin mo ang pagsali rito bilang motibasyon. Puwede itong 5k o 10K. Malay mo maging marathoner ka pa. Bisitahin ang takbo.ph.

Kung hindi takbuhan, puwedeng mag-aral ng swimming o kaya ay mag-bike. Maraming mga bike associations na puwedeng salihan. Maganda kasi na mapasama ka sa isang community na katulad mo ang ginagawa para mas ma-enjoy mo ang sport. Sa cycling o biking, puwedeng bisitahin ang http://tiklopsociety.ph/.

Para sa mga adventurous, puwedeng magtangkang mag-trail adventure at pumanik ng bundok. Bisitahin ang pinoymountainer.com para sa mga karagdagang impormasyon sa mga hiking at mountain climbing.

Bumuo ng blog

Kung naghahanap ka ng puwedeng pagaksayhan ng panahon ngayong bakasyo, bakit hindi ka gumawa ng blog. Maraming sites na nag-o-offer ng libreng hosting ng mga blogs. Nangunguna rito ang blogger.com o kaya ay wordpress.org.

Hindi naman ito kailangang bonggang bonggang blog. Puwede itong repository ng iyong mga photos na ang tawag ay photo blog. Kung mahilig ka sa mga tula, puwede mo ritong ilagay ang mga tula mo o maging ang mga short stories.

Puwede ring kung ano-ano lang lalu pa ngayon na ang daming mga videos na puwedeng ilagay sa blog.

Kumuha ng summer job
Kung gusto mong maging mas productive ang bakasyon mo, puwedeng kumuha ng summer job at ang iyong kikitain ang gagastusin mo sa iyong mga summer projects.

Hitting two birds in one stone ika nga.

Ilan pa sa puwedeng gawain ay mag-volunteer sa mga non-governmental organizations at doon gamitin ang panahon. Napalawak mo na ang iyong karanasan, nakakuha ka pa ng mga bagong kaibigan.

Tandaan lamang ngayong bakasyon, huwag sayangin ang pawis. Gamitin ito sa makabuluhang gawain.




No comments: