Sunday, March 18, 2012

Feisty Cristy

Cristy Ramos
Maraming nagsasabing si Cristy Ramos ang anak na lalaking hindi naibigay ni Ming Ramos sa kanyang asawang si dating heneral at pangulong ng Pilipinas na si Fidel Ramos.

Nangungunang dahilan nito ay ang pagiging "matapang" ni Cristy at ito ang dahilan kung bakit siya binansagang Feisty Cristy.

Natatandaan ko pa noong panahon na pangulo siya ng Philippine Olympc Committee (POC) ay walang inurungang laban si Cristy, laluna ang mga bumabatikos sa kanya.



Hinarap niya ang mga tulad ni athletics chief Go Teng Kok, na nanguna sa pagpapatalsik sa puwesto kay Cristy, na tumakbo bilang POC president sa kabila ng pagtutol ng kanyang ama, ayon sa ilang balita noong panahong nakaupo pa bilang Chief Executive ng bansa ang kanyang ama.

Opo, may katigasan ng ulo si Cristy at dahil hindi napigilan ang kanyang pagtakbo, walang nagawa ang Malakanyang kungdi suportahan ang unico hijo, este, ang anak ng mag-asawang Fidel at Ming, na kapwa nagsilbi bilang mga opisyal ng badminton association sa bansa.

Maliban kay Go Teng Kok nakuha rin ng mga sportswriters na sina Aldrin Cardona, ngayon ay sports editor ng The Daily Tribune, at Jun Lomibao, na tulad ni Aldrin ay isa ng sports editor para naman sa Business Mirror.

Natatandaan ko na hindi binigyan ni Cristy ang dalawa ng accreditation upang i-cover ang Southeast Asian Games (SEAG). Hindi ko na lamang matandaan kung anong edition, pero sa huli nakakuha pa rin ang dalawa ng accreditation mula sa organizing committee.

Totoong hindi maganda ang relasyon ni Cristy at ng media noong panahon na iyon, pero para tindigan at labanan ang media ay maituturing na napakalaking katapangan, kung hindi man kadakilaan, lalupa't itinuturing na fourth state ang kanyang kinalaban.

Dahil dito, hindi ako nagtataka kung bakit hindi inurungan ni Cristy ang mga sikat na Azkals, partikular sina Lexton Moy at Angel Guirado, at sinampahan ng sexual harassment case sa Disciplinary Committee ng Asian Football Confedration (AFC).

Hindi ko alam kung kailan iimbestigahan ng AFC at kung ano ang proseso rito pero kung ako kina Moy at Guirado, aaminin ko na ang mga pagkakamali.

Angel Guirado at Lexton Moy 
Unang dahilan ay maitutuiring namang "lalaki" si Cristy kaya't hindi mababawasan ang kanilang pagka-TNL kung sila ay aamin. Tandaan lamang natin na ang TNL ay sa kapwa TNL lamang umaamin.

Kung hindi nila ito gagawain, aba ilalagay ko sila bilang mga "under consideration" dahil kapwa sila may-abs at hindi nila kayang umamin sa kapwa TNL. Tandaan nating ang mga TNL ay walang abs.

Isa pang dahilan ay kung naka-brief si Guirado na humarap kay Cristy, may tae ba ang brief niya dahil ang TNL, laging may tae sa brief.

Pero ang pinakamabigat dito kaya dapat na silang umamin ay dahil tanging ang naha-harass ang nakakaramdam ng harassment. Kaya kung naramdaman ni Cristy na na-harass siya, tatanggapin ko yon dahil iyon ang pakiramdam niya.

Isa pa ay hindi mananalo sina Moy at Guirado kay Cristy, na nagsabing pinagtawanan siya ng buong Azkals team habang pinag-aaralan ang ID nito sa loob ng dugout dahil nga naka-under wear lamang ang football player.

Kaya kung ako sina Moy at Guirado hindi lamang apology ang gagawain ko. Tatawiran ko ang mag-asawang Ming at Fidel at hihingi rin ako ng tawad sa kanila.

Mabuti na lang at walang kapatid na TNL si Cristy, kung hindi baka hindi lang imbestigasyon ang inabot nila. Ayokong gumawa ng haka-haka pero tandaan nating ang mga TNL ay hindi natutulog at hindi nagsisimba.

No comments: