Tuesday, March 20, 2012

Fuel poverty


Sa United Kingdom, Ireland at New Zealand may tinatawag na fuel poverty na ang kahulugan ay ang kahirapan upang mapainit ang tinitirahan tuwing tag-lamig.

Dito sa Pilipinas may fuel poverty din.

Pero kabaliktaran sa mga nabanggit na bansa, maraming Pinoy ang hirap upang mapalamig ang kanilang mga bahay tuwing tag-araw.

Una ay kahit gustuhin man ng mga Pinoy na gumamit ng airconditioning, hindi nila kakayanin dahil napakamahal nito para sa pangkaraniwang Pilipino. Idagdag pa ang gagastusin mo sa kuryente at tiyak mamumulubi ka.



Paliit ng paliit ang naiuuwing pera ng mga jeepney, 
tricycle at mga taxi drivers. (walalangpixels.
blogspot.com)
Sa totoo lang, hindi naman airconditioning ang problema ng mga Pinoy. Sanay naman tayo init eh.

Ang pinakamalaking problema natin ay ang pagtaas ng presyo ng gasolina dahil malaking bilang ng mga Pilipino ang trabaho ay nasa transportation sector...

Kung hindi taxi driver, malamang ay tricycle o jeepney ang minamaneho ng mga Pinoy upang may pagkakitaan. Puwede ring sa bus bilang driver o kundoktor, o kaya'y sa delivery van o sa mga Garage Transit na makikita mo sa mga malls at ang biyahe ay sa malalapit na lalawigan sa Maynila.

Kahit manok na nga ang mga drivers, lalu pang 
naghihirap dahil pagtaas ng presyo ng langis, 
krudo at gas. (walalangpixels.blogspot.com)/
Maging sa ibang lalawigan ay mayroon din nito. Sipat at krudo ang katapat ay hanapbuhay.

At dahil pataas ng pataas ang halaga ng krudo at gasolina, lumiliit din ang ganansiya ng mga drivers. Dahil dito, dumadami rin ang nalalagay sa bingit ng kahirapan.

Dahil habang lumiliit ang kita ng mga drivers, lumiliit din ang kanilang puwedeng gastusin sa pagkain, edukasyon, pambayad ng renta sa tinitirahan o maging sa entertainment.

Habang lumiiliit ang kita ng mga drivers, lumiiliit ang 
puwedeng gastusin sa pagkainm, edukasyon at marami
pang iba.(walalangpixels.blotspot.com)
Isa lang ang suhestiyon ko upang maresolba ito. Pasukin ng pamahalaan ang pagbebenta ng gasolina at krudo. At dahil public service ang motibasyon at hindi tubo kumpara sa mga korporasyon ng langis, mas makikinabang ang mamamayan.

Tandaan nating walang maitutulong dito ang mga korporasyon ng langis na ang hangarin ay tubo. Hindi sila puwedeng asahan, period.

Pero ang pamahalaan may puwedeng gawain kung gugustuhin nito lalupa't nakasalalalay ang kapakanan ng taumbayan.

Hindi lang pagtataas ng minimum fare ang dapat isagot ng pamahalaan, kungdi ang pagsiguro na abot kaya ng mas nakakaraming Pilipino ang halaga ng gasolina, krudo at LPG.

Ano sa tingin ninyo?

No comments: