Here is a short video about a guy who makes banjo for a living. Kakaiba di ba?
Sa kasalukuyang panahon kasi, kapag ikaw ay nagsarili sa isang negosyo memenosin ka ng mga kaibigan, kukutsain ng mga kapamilya lalupa't napakasimple ng bagay na iyong ginagawa pero hindi naman pinagkakaperahan ng malaki.
Sabi nga ay walang pera sa art unless na lang na pintor ka at namatay, siguradong tataas ang presyo ng iyong mga piyesa.
Pero sa isang nagmamahal sa kanyang ginagawa, hindi masyadong mahalaga ang pera, pumapangalawa lamang ito sa mga priorities.
Sabi nga nila ay mahalin mo ang sining mo at ibabalik ng sining ang pagmamahal na ito. O kaya ay mahalin mo ang iyong hanapbuhay, at mamahalin ka ng iyong hanapbuhay.
Bihira sa mga Pilipino ang makakausap mong ipinagmamalaki nila ang pananahi, paglililok, at kung ano-ano pang mga kasanayan. Ito ay bunsod sa pananaw na dinala ng mga umalipin sa ating bansa na ang pagbabanat ng buto at pagpapawis ay walang kwenta at mababang klaseng hanapbuhay.
Dahil dito, naglaho na ang mga kasanayang hindi lamang nagbibigay ningning sa ating buhay kungdi nagbibigay din ng ibayong sigla sa ating mga kaluluwaa.
Narito pa ang ilang video ukol sa pagbuhay sa sarili gamit ang sining at kasanayang gamit ang mga kamay at iba pa.
Siyempre, ang video sa ibaba ang paborito ko dahil ang produkto nito ay isa sa mga nais kong tunggain araw o gabi. Kampai!!!
No comments:
Post a Comment