Isa sa mga iniidolo kong lider ay si Nelson Mandela. Kaya natuwa ako noong makuha ang impormasyong may proyekto ang Google na i-digitize ang lahat ng impormasyon ukol sa freedeom fighter na ito.
Ito ay matatagpuan sa http://www.nelsonmandela.org/.
Sino ba si Mandela? Sa mga nakapanood ng pelikulang Invictus na pinagbidahan ni Morgan Freeman at Matt Damon si Mandela ang pangulo ng South Africa na ginamit ang rugby upang mapag-isa ang kanyang bansa na daang taong nahati dahil sa apartheid.
Si Mandela ay nagsilbi bilang pangulo ng South Africa mula noong 1994 hanggang 1999. Siya ang unang South African president na nahalal matapos magwakas ang apartheid.
Bago nahalal bilang pangulo, si Mandela ay nakilala bilang anti-apartheid activist, lider at founder ng Umkhonto we Sizwe, ang armadong samaha ng nakapaloob sa pamamahala ng African National Congress (ANC).
Noong 1962 ay naaresto si Mandela at nabilanggo sa salang pananabotahe at iba pang pagkakasala. Nasentensiyahan siya ng pagkabilanggo habang buhay.
Matapos mabilanggo ng 27 taon, nakalaya si Mandela noong 11 Feb. 1994.
Marami ang kumikilala hindi lamang sa kabayanihang nagawa ni Mandela bagkus ang pamamaraan upang mapag-isa niya ang South Africa sa kabila ng karahasang naranasan ng mga native Africans sa kamay ng mga puting dumayo at naghariharian sa kanilang bayabn.
Noong 1993 ay tinanggap niya ang Nobel Peace Prize.
Mabuhay ka Mandela.

No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com