Friday, March 30, 2012

Pikon talo

Naging usap-usapan kamakailan kung paano tinarayan ni Asia's songbird Regine Velasquez ang isang Twitter follower nito dahil sa diumano'y bumabanat ng hindi maganda ukol sa anak nila ni comedian, singer, actor at father, sa muling pagkakataon, Ogie Alcasid.

Sa unang tingin ay masasabing nagawa niya ito dahil sa pagiging ina. Natural instinct ika nga. Kung ganitong lente ang gagamitin ay masasabing tama ang ginawa ni Regine.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit isinapubliko ng mag-asawang Regine at Ogie ang larawan ng kanilang anak. At ngayong kinakantiyawan ang histura ng kanyang anak ay magagalit siya. Mapipikon.


May tawag kasi diyan. Privacy.

At kahit na bata ang kanilang anak, dapat ay iginalang nila ang privacy nito.

Una ay hindi upang ipagdamot ang bata, kungdi upang proteksiyonan ang privacy nito.

Hindi kasi ibig sabihin na dahil silang mag-asawa ay mga sikat na singers at artista ay ia-assume na nilang sikat din ang kanilang anak. Magkagun man, mas dapat nilang inilagaan ang privacy ng bata.

Ikalawa, gusto ba ng bata na malagay sa limelight? Walang muwang ang bata at hindi automatic na gusto rin niyang mag-artista kapag nagkaisip siya. Dahil dito ang mas natural na ginawa ng mag-asawa ay proteksyonan ang bata mula sa publiko.

Maraming artista, lokal man o mula sa Hollywood, ang nakikipag-awa pa sa mga paparazzi upang proteksyonan ang kanilang pamilya mula sa mata ng publiko.

Kaya nga hindi ko maintindihan itong mga artistang walang paggalang sa privacy ng kanilang mga anak.

Ikatlo, gusto ba ng mga Pilipino, o sa pagkakataong ito ng mga masugid na tagasunod ng mag-asawa, na makita ang larawan ng kanilang anak?

Parang hindi naman tama na i-assume na gusto nating makita ang hitsura ng kanilang anak.

At dahil isinapubliko ng mag-asawa ang larawa  ng kanilang anak, dahil maaaring ipinagmamalaki nila ito, sa tingin ko ay wala itinapon na nila sa hangin, hindi lamang ang privacy ng kanilang anak, kungdi maging ang karapatan nilang magalit  sa reaksyon ng kanilang tagasubaybay.

Ngayon ang tanong ay sino ba talaga ang kamukha ng kanilang anak? Si Ogie ba o si Regine?

Isa lang ang masasabi ko, kung galing sa pag-awit lang ang pag-uusapan talagang may pagmamanahan, pero kung ibang aspeto tulad ng kagandahan o kagwapuhan, aba ibang usapin na yon.

Wala lang!

Ano sa tingin ninyo?


No comments: