Cristina Fernandez de Kirchner |
Dahil dito, nais kong bigyan ng unsolicited advise si PNoy na gayahin niya si Cristina Fernandez de Kirchne, ang kasalukuyang babaeng pangulo ng Argentina, na nag-take over sa Repsol, ang Spanish oil company, upang masigurong mababa ang presyo ng langis sa kanilang bansa at ang kikitain sa pagmimina ng langis sa Argentina ay mapapakinabangan ng mga Argentinians.
Nagtakda rin ang pamahalaan ni Cristina, na mas kilala bilang CFK, ng ceiling kung magkano ang puwedeng itaas sa presyo ng langis. Astig di ba?!
Kung ang pagbabasehan ay ang tapang, masasabing may bayag itong si Cristina dahil pambihira ang kanyang ginawa. Isang multinational ang kanyang binangga dahil hindi umano sinusunod ng Repsol ang mga patakaran kung bakit ito pinapasok sa Argentina.
Hindi naman bago ang ginawa ni Cristina, dahil nauna sa kanya, ito rin ang ginawa ni Venezuela pres. Hugo Chavez. Nag-take over din ang pamahalaan ni Hugo Chavez sa mga kumpanya ng langis sa kanyang bansa upang masigurong ang kikitain sa mga langis na sinisipsip sa kanyang bansa ay mapapakinabangan ng mga Venezuelan.
Maliban sa pag-take over sa oil companies, kapwa nagbibigay ng subsidy ang Venezuela at Argentina sa pagkain at transportasyon. Sa Venezuela, nag-import pa ng mga doktor si Hugo Chavez mula sa Cuba upang mangalaga sa mga Venezuelans at ang kapalit nito ay langis. Kakaibang barter trade ito di ba.
Dito sa Pilipinas, kabaliktaran ang ginagawa ni PNoy at ng kanyang mga alipores. Tila sumuko na sila. Wala raw silang magagawa dahil merkado ang nagtatakda ng presyo ng langis.
Kung hindi ito katangahan, hindi ko alam ang tawag dito.
Nasa pamahalaan ka tapos sasabihin mo wala kang magagawa. Mas mabuti pa sigurong magbitiwi na lang.
Puwedeng ang gawain ni PNoy ay sundin ang panukala ni Akbayan Rep. Walden Bello na magtakda ng ceiling sa puwedeng kitain ng mga oil companies. Kung magkakaroon kasi ng ceiling at hindi nakakabit sa world market ang halaga ng presyo ng langis dito sa Pilipinas, malaki ang ibababa ng presyo ng langis.
Ang kinakatakot ko lang ay baka ang tinatanong ni PNoy para usaping ito ay ang kanyang paboritong pamangking si Josh at hindi ang mga ekonomistang makabago ang pag-iisip.
Kung si Josh kasi ang tatanungin, malamang ang sabihin lang nito ay mag-games tayo Tito. At kung ang mga traditional na ekonomista ang tatanungin, siyempre ang sagot nila ay merkado yan Pangulo.
Yari tayo diyan!!!
No comments:
Post a Comment