Natalisod ko ang video na ito habang nagse-surf. Nilikha ni Diego Stocco ang video na ito bilang bahagi sa pagdiriwang ng Earth Day.
Si Diego Stocco ay isang sound designer at composer. Kung ano-anong mga musika ang kanyang nalilikha gamit ang kung ano-anong instrumento. Maliban sa paggamit sa kalikasan, lumilikha rin si Diego ng musika mula sa mga pangkaraniwang mga bagay na ginagamit natin araw-araw. Kung nais mong mapanood o mapakinggan ang mga nilikha ni Diego, puwedeng puntahan ang kanyang website dito.
Ayon sa bio ni Diego, ginamit na ang kanyang mga nalikhang musika sa film trailers ng "Terminator : Salvation", "2012", "Eagle Eye", "The Uninvited", "Lady in the Water", videogame trailers tulad ng "Justice League Heroes", "Soulcalibur IV", "MK vs DC, "Call of Duty, World at War", at TV shows tulad ng "Dexter", "Daily Show", "Cold Case" at marami pang promos.
Narito pa ang isa sa mga nilikha ni Diego gamit naman ang mga buhangin. Galing di ba?
Naalala ko tuloy si Levi Celerio ang Pilipino musikal genius na ang ginagamit ay dahon bilang silindro. Dahil wala akong makitang video ni Levi narito ang isang video mula sa Talentadong Pinoy kung kailan ipinakita ni Ricky De Guzman ang kanyang talento.
No comments:
Post a Comment
Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com