Thursday, May 17, 2012

CJ Corona: Wala akong aaminin

Sa Mayo 22, 2012 ay haharap si CJ Corona sa mga kapitapitagang impeachment court na pinapanganiwaan ni Senate President Juan Ponce Enrile, na kung hindi ako nagkakamali ay ang dating defense chief ng yumao at convicted human right abuser na si Ferdinand Marcos.

Napilitang humarap ni CJ sa impeachment court dahil kinagat ni Enrile ang hamon ng mga abogado niyang haharap si Corona kung haharap din sa korte ang mga nag-akusa na may milyong-milyong dollar account ang Punong Mahistrado.

Narito ang interview ng Wala Lang sa Punong Mahistrado sa nalalapit niyang pagharap sa impeachment court.

WL: Magandang araw po CJ, naniniwala po ba kayong tama ang direksyong tinatahak ng mga abogadong dumedepensa sa inyo?

CJ: Magandang araw din, pasensiya na at na-late ako sa interview na ito. Kailangan ko pa kasing dumalo sa misa, sayang naman ang PR na makukuha ko kung hindi ako dadalo sa misa para ipagpasalamat ang ikalawang taon mula nang iluklok ako ng aking padrinong si GMA sa posisyong ito. 

Tungkol sa depensa, malaki pa rin ang pananampalataya ko kay Justice Cuevas at sa kanyang team na maisasalba nila ako. Hindi mo ba naaalala si Al Pacino dun sa pelikulang Devil's Advocate kapag nakikita mo siya?

WL: From 1 to 10 anong rating po ang maibibigay ninyo sa defense team ninyo?

CJ: Siyempre 10. Kita mo naman ang mga abogado ko walang inaamin. 'Yon lang ang mahalaga rito. Walang aamin. Walang aaminin. Wala lang.

WL: Parang ako 'yan CJ ah. Wala lang. Pero teka, pakiesplika nga po ang ibig ninyong sabihing walang aaminin.

CJ: Kita mo naman, kahit yong nakapatong na at nakapasok pa naabsuwelto kasi hindi nila inaamin. Puwedeng sabihing nadapa ka lang kaya ka nakapatong, at aksideteng pumasok. Hindi ba? 

WL: Eh ano po ba ang tingin ni Justice Cuevas tungkol sa ganitong depensa?

CJ: No problem si JC diyan kasi naniniwala rin siya sa ganiyang depensa. Walang inamin, walang kasalanan.

WL: Eh CJ, paano po yong mga bank accounts? Hindi ba totoo 'yon?

CJ: Secret.

WL: Paano po ninyo sasabihing hindi inyo yong mga bank accounts?

CJ: May affidavit na akong nagsasabi na hindi sa aking ang mga bank accounts na 'yan. Kung may affidavit, walang sabit, hindi ba?

WL: Ahhhh, eh kay Atty. Roy sir, ano ang masasabi ninyo sa kanya?

CJ: Cute, isn't he. May poodle ba na hindi cute?

WL: Tama po kayo dun, CJ. Eh kay Atty. Jimeno po, ano ang basa ninyo sa kanya?

CJ: Pa-cute.

WL: Maiba ako CJ. Ano po ang isusuot ninyo sa Martes?

CJ: Depende sa designer ko yan.

WL: Eh kamusta naman po ang pamilya ninyo, ang maybahay ninyong si Cristina, kamusta na siya?

CJ: Katulad ng inaasahan, hindi mapalagay. 

WL: Ang mga anak po ninyo?

CJ: Hindi rin mapalagay.

WL: Eh kayo po, ano ang pakiramdam ninyo?

CJ: Hindi makapaglagay, este, hindi rin mapalagay although malakas pa rin ang sampalataya ko sa depensa.

WL: Ano po ang gagawain ninyong kung ma-convict kayo?

CJ: Magpapaparty ako. We will celebrate injustice in this country.

WL: Eh kung ma-acquit?

CJ: Novena. Magpapasalamat sa mga Makakapal. Ay, sa Maykapal.

WL: May masasabi po ba kayo regarding kay Risa Hontiveros?

CJ: Maganda, lumalaban.

WL: Eh kay Harvey Key?

CJ: Por que?

WL: Kay Sen. Santiago po?

CJ: Encyclopedia ba siya?

WL: Bakit po?

CJ: Ang dami niyang alam eh.

WL: Sa Akbayan Party, CJ?

CJ: Good riddance!!!

WL: Eh sa nagluklok po sa inyo sa supreme court?

CJ: May sakit. Hindi ko na nga alam kung ano-anong sakit ang idinadaing eh. Parami nang parami.

WL: Ano po ang masasabi ninyo sa mga sumusubaybay sa kasong ito?

CJ: Tulad ng sinabi ko sa pagsisimula ng interview na ito, wala akong aaminin, wala akong aaminin, wala akong aaminin.

Disclaimer: Walang opinyon sa artikulong ito ang aaminin ng manunulat. Tulad ni CJ, wala kaming aaminin, walang aaminin, walang aaminin, walang aaminin, walang aaminin, walang aaminin, walang aaminin, walang aaminin, walang ...

No comments:

Post a Comment

Thank your for your comments...you can likewise email the author at monleg@gmail.com